Gus' pov
Pagkatapos kong halikan si Frezz ay niyakap ko siya nang mahigpit. Niyakap niya rin ako, like she won't let go. Umiiyak pa rin kami at sina Kylie at Marlon ay masayang nakatingin sa amin.
" Gising na pala siya. " Biglang dumating ang nurse.
Kumalas kami sa yakap at pinunasan ang mga luha namin. Baka kung anong isipin ng nurse na nag-iiyakan kami.
" Hinimatay ka dahil sa extreme emotions na naramdaman mo nung oras na bago ka hinimatay. I advice na magpahinga ka muna at avoid negative thoughts and bad vibes. " Payo ng nurse na nakatingin kay Frezz.
" Sige po, maraming salamat. " Sagot ni Frezz.
Tumayo na kami at umalis na. Nag-suggest ako na ako na lang ang maghahatid kay Frezz pauwi at sinabihan sina Kylie at Marlon na bumalik na sa kanilang mga klase.
Lumabas na kami sa school ni Frezz at naghintay ng tricycle. Nang may nahanap na kami ay sumakay na kami. Pero bago umandar ang tricycle ay nahagip ko ang isang tao sa gate ng school na nakatingin sa akin. Nakakatakot ang tingin niya. Umandar na ang motor pero nandoon pa rin siya.
.... Si James.
James' pov
F***! Nakuha na naman ni Gus si Frezz. And I saw everything. Lintik yung Kylie na yun! Magbabayad sila. I will do anything just to get Frezz back..... kahit may mamatay.
Marlon's pov
Naglalakad kami ni Kylie sa school. Ihahatid ko siya sa room niya. Just to be sure na ligtas siya. Baka kung makita siya ni James at kung nakita niya yung sa klinik eh baka kung anong gagawin niya sa girlfriend ko. Pero sana huwag naman yun mangyari.
Pero nangyari ang ayaw ko.
Napahinto kami ni Kylie dahil nasa harap namin siya. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya. Humawak nang mahigpit si Kylie sa braso ko. Mukhang alam niya ang nangyari kung tumingin siya.
" I knew everyrthing. " sabi ni James. Patay!
Lumapit siya sa akin at sinuntok niya ako. Sa sobrang lakas ng suntok niya ay napahiga ako sa sahig at naramdaman kong may dugong tumulo sa labi ko.
"Marlon!!!! " Sigaw ni Kylie.
Lumapit siya sa akin pero hindi iyon natuloy dahil hinawakan siya ni James at tinakpan ang kanyng bibig.
" Bitawan mo siya! " Sigaw ko habang tumatayo.
" Die! Die! " Sagot sa akin ni James.
Anong ibig niyang sabihin? Papatayin niya ako? Kinakabahan na ako.
Tumingin ako kay Kylie na sinusubukang makawala kay James at naluluha na.
" Marlon! " Narinig ko ang sigaw ni Kylie kahit nakatakip ang kamay ni James sa bibig niya.
Nangyari ang di ko akalaing sunod na mangyayari. Naglabas si James ng baril at itinapat kay Kylie.
" James, huwag! Huwag please! " Sigaw ko habang umiiyak na.
Lilim ang lugar na ito sa school kaya walang tao. Which is dangerous.
" I hate you! All of you! All I wanted was to have my Frezz back. But you are selfish! " Galit niyang sinabi.
Natanggal ni Kylie ang kamay ni James sa bibig niya ngunit hindi pa rin siya nakawala dahil hawak pa rin siya ni James nang mahigpit
" We are not selfish! You are! You wanted Frezz for yourself! Weren't you thinking that you hurted her? Don't blame us if she doesn't want you back in her life! " Sigaw ni Kylie na umiiyak.
Nilapit ni James ang baril kay Kylie. Nasa ulo niya ito nakatapat. Dinikit ni James ang baril sa ulo ni Kylie.
" James! Huwag! " Tumakbo ako para pigilan siya.
BAAAAAAANG!
... Pero huli na ang lahat.
... Pumutok ang baril
... Pero hindi tumama kay Kylie.
... Nahanap ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa sahig na may tumutulong dugo sa tagiliran ko.
Napapikit ako.
" Marlon!!!! " Sigaw ni Kylie at ang tangi kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.
........
........
- Musta po update ko? Nabaril si Marlon, oh no! Anong mangyayari? R. I. P. Marlon. Charot!!! Hindi pa siya patay. Hehehe. Basta, abangan niyo na lang ang susunod na mangyayari.
- Nicole012005

BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Teen FictionMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...