You, again

11 5 2
                                    

Frezz's pov

Ang sakit pa rin. Ang bilis lang ng relasyon namin ni Gis pero parang ilang taon ko na siya nakasama kung ibabase sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako pumasok ng 1 linggo dahil hindi ko siya kaya makita. Pero ngayon pumasok na ako, kaya ko ito.

" Bes? " Tanong sa akin ni Carla.

Nasa plaza kami ng school dahil hindi pa nag-start ang klase namin. Tumingin ako sa kanya at mukhang nag-aalala siya.

" ok...ok lang ako, Carla. " mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya.

" Hindi ako naniniwala. Frezz, kilala kita. " seryoso niyang sabi.

Huminga ako ng malalim.

" 'di ba sabi ko sayo last, last week naging kami ni Gus? " Tumingin ako sa kanya at umiyak.

" No... " Sabi niya.

"...Yes..." Sabi ko sa kanya at napayakap na lang. Kilala niya talaga ako.

" Frezz, bakit? Ano naging problema? " Bumitaw na siya sa yakap at tumingin sa akin.

" RIIIIIIIIIIIIIIIIIING! "

Oras na ng pasukan. Iba ang first at second subject namin sa umaga.
" Mamaya Frezz ah? " Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. " Andito lang ako, hindi kita iiwan bes. " sabi niya.

Umalis na siya at umalis na rin ako.

Nang makarating ako sa room, lahat ng mga classmates ko ay nagtatanong sa akin kung bakit ang tagal kong nawala.

" Sorry guys, may nangyari lang kasi. " mahinahon kong sabi.

Binigyan ko sila ng maliit na ngiti at pumunta na sa upuan ko.

Kaasar ka talaga Gus....

Alam kong kasalanan ko pero.....

Ang sakit talaga eh.....

Nasasaktan ka rin ba?

.....Siguro.

Or baka galit ka sa akin?.....

Yumuko na lang ako sa upuan ko at umiyak na lamang.

Gusto kong ibuhos ang lungkot at ang galit ko sa sarili ko, pero ito lang talaga ang tanging bulong na lumabas sa bibig ko.

" .... Gus... "

Dumating ang teacher namin kaya pinunasan ko na ang mga luha ko.

" Class meron tayong na-transfer ang schedule. May naging problema. At nagkamali pala ang nagbigay sa kaniya ng schedule niya, ito dapat talaga ang first class niya. Iho, pumasok ka na. "  ngumiti ang teacher namin.

Pumasok ang lalaki....

" Oh no. " Ang bulong ko sa sarili ko.

Inikot niya ang mata niya sa classroom at huminto sa akin.

Nagkatinginan kami.

Walang ibang lumabas sa mga mata ko kundi mga luha ngunit pinunasan ko naman ito agad.

Hindi maaari.

........

........

- Hello guys. Kamusta po? Vote and comment po kayo. Thank you po ulit sa non-stop support niyo. Happy New Year ulit! :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon