The Gap

20 6 0
                                    

After two weeks...

Marlon's pov

Patuloy pa rin ako sa panliligaw kay Kylie. Pero may napapansin ako sa kanya, nagbago siya. Hindi na siya ganoon ka sigla tuwing kasama niya ako at parang malungkot siya sa mga regalong binibigay ko. Isang araw sabay kaming kumain, as usual. Kaya, tinanong ko siya. ( agad-agad )

" Kylie. " Mahina kong tawag sa kanya pero sapat na para marinig niya.

Tumungin siya sa akin. " Bakit, Marlon? " Ang lungkot ng mga mata niya.

" May problema ba tayo? May problema ka ba sa akin? " Agad kong tanong.

Kylie's pov

Napahinto ako ng pagkain sa tanong ni Gus. Tumingin ako sa kanya ulit, seryoso ang mukha niya.

"... Bakit...mo... na... tanong... i...yan? " Nauutal kong tanong. Biglang pinagpawisan ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

Dumungo siya.

" Napansin ko kasi this pass few days, malungkot ka, matamlay. May problema ba? "

Ayaw kong magsinungaling. Pero at the same time, ayaw ko ring saktan si Marlon. Mahal ko siya...... Bilang kaibigan lang. ( Nicole012005- Ouch! FRIEND-ZONED! Continue reading po. )

" Wala... Walang prob... lema. "

" Sigurado ka? " Pahabol  niya.

" Hindi ko alam basta. Bye. "

Inayos ko na ang pinagkainan ko at tumakbo na palayo. Pero bago pa ako makalabas ng hall, may humawak sa braso ko.

" Marlon! Ano ba! Bitawan mo ako. " Kinakabahan ako lalo.

Tumingin ako sa kanya. Mata sa mata. Seryosong-seryoso ang mukha niya.

" Kylie, anong problema natin? " Paiyak niyang sabi. " Please,Kylie. I want the truth. "

Huminga ako ng malalim. Nagsimula na akong umiyak.

" I am sorry, Marlon. " Tumingin ako ulit sa mga mata niya.

Marlon's pov

" Sorry? Bakit ka nag-so-sorry? At bakit ka umiiyak? " Nag-aalala kong tanong.

" I'm sorry dahil... " Humahagulhol na siya.

" Dahil... "

" Ano ba nga kasi Kylie! Sabihin mo na pa... " Natigil ako sa pagsasalita ko ng sumigaw siya.

" DAHIL MAY MAHAL NA AKONG IBA! "

Napatigil ako sa sinabi niya. Kulang na lang,matunaw ako sa harap niya. Umiyak na ako.

" Ano, Kylie? Pakiulit nga? " Sabi ko sa kanya. Umiiyak na pala kaming dalawa.

" Marlon, may mahal na akong iba. " Tumalikod na siya pero pinalingon ko siya at lumuhod sa harap niya at hinawakan ang braso niya.

" Bakit,Kylie? ... Bakit ka pa pumayag na ligawan ka? " Umiiyak na ako.

" Kasi ayaw kong masaktan ka. " Diretso niyang sabi habang umiiyak rin.

" Eh bakit... Bakit mo ako ngayon sinasaktan ngayon? " Grabe na ang iyak ko na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin ako. " Hindi ba pwedeng, hindi ba pwedeng ako na lang? " Iyak lang ako ng iyak. " Kylie, mahal kita!!! "

" Pero mahal ko rin siya, Marlon!!! May mahal rin siyang... iba. " Nalungkot siya sa nabanggit niya.

" Bakit siya? Bakit.. Bakit hindi ako? Sino ba siya? Mas higit ba siya sa akin? Kylie... please... ako.... ako na lang!! " Ang sakit talaga, ang sakit-sakit!

" Marlon, bitaw na ano ba!! " hawak ko parin ang kamay niya.

" Hindi... hindi ako bibitaw hanggang hindi mo sasabihin kung sino! " Kailangan kong malaman... kahit alam kong masasaktan ako.

" SI GUS! SI GUS, MARLON! " Tumakbo na siya habang umiiyak.

Naiwan akong mag-isang luhaan na nakaupo sa sahig ng hall.

" Si... si Gus? "

........

........

- Nakakalungkot po. Nalulungkot nga po ako habang tinatayp ko po ito. Salamat po kasi mabilis dumami ang mga readers at may ilan rin na nag-vo-vote. Thank you po talaga. :) Lalo ko pa pong sisipagan sa paggawa ng story. Enjoy reading! :)

-  Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon