Frezz's povPapunta na ako sa school. Naglakad ako at pagdating ko wala akong ibang hinanap kung hindi si Gus.
Lumapit ako sa isang kaklase niya. Si Marlon. Kilala ko siya kasi kababata ko at classmate ko siya sa isang klase ko.
" Marlon! "
Lumapit siya sa akin.
" Marlon, andyan na ba si Gus? "
Malungkot niyang sinabi " Wala pa nga eh. Actually maaga naman yun dumating eh. Bakit mo nga pala siya hinahanap? "
Bigla akong namula. " Ugh... ano
... Wal...a na...m...an. Nagtatanong lang naman. "" Hahaha. Bigla ka naging kamatis. Oh sige ah. Punta lang ako dun maglalaro kami ng mga classmates ko. "
" Sige. Bye. "
Nagsimula na ang klase. Pero wala pa rin si Gus. I feel empty.
" RIIIIIIIIIIIIIIIIIIING "
Break na pala. Wala nga akong naintindihan sa discussion ng teacher namin.
Pumunta na lang ako sa canteen.
Kumain ako ng mag-isa. Bigla kong nakita si James kasama ang girlfriend niya. Bigla akong napaluha.
" Hindi pa ako nakakamove-on talaga sayo James. Mahal pa rin kita. Pero dahil kay Gus, unti - unti rin kitang malilimutan. Gwapo, mabait at Gentleman. Hindi tulad mo na Cassanova at suplado. Pero sa kabila nun, natutunan kitang mahalin. Kasi minahal mo ako at nagbago ka para sa akin. "
Pinunas ko mgs luha ko at bumalik na sa klase. Tapos na kasi ang break. Parang ang lamig- lamig ng simoy ng hangin. Parang, wala.
" I feel so empty. "
Marlon's pov
Nakita ko si Frezz na umiiyak sa canteen kanina. Sasamahan ko na lang siya mamayang lunch para may kausap at may kasama siya. Parang kapatid ko na iyon at ayaw kong nalulungkot siya.
" Asan kaya si Gus at bakit niya kilala si Frezz? " Napatanong ko na lang ang sarili ko.
First time kasi ni Gus na mag-absent. Kahit may sakit kasi yun pumapasok pa rin yun ang sipag kasi mag-aral. Pero ngayon baka ang bigat siguro ng dahilan niya kaya hindi siya nakapasok.
Maya-maya ay lunch na. Hinabol ko agad si Frezz sa hall dahil alam ko dun siya kumakain. As usual andoon nga siya. Nilapitan ko siya.
" Frezz, pwede bang makisbay kumain? "
Namamaga mata niya. Halatang iniiyakan niya pa rin si James.
" Oo naman. Sige upo ka. "
Ang lamya ng boses niya. Parang daig pa ang may sakit sa sobrang lamya.
" Masakit pa rin ba? Na wala na si James? Huwag kang tumanggi. Ibuhos mo lang. "
Ikinuha ko agad ang panyo ko dahil alam kong iiyak siya.
At yun umiyak nga.
" Sorry Marlon. Masakit pa rin. Tuwing nakikita ko siya parang pinupukpok ako sa sobrang sakit.
Tinapik ko siya at hinaplos ang buhok niya para i-comfort.
" ok lang iyan Frezz. Malalagpasan mo lang siya. Marami pang iba. "
" Mabuti nga at andyan si Gus. "
Pinunasan niya luha niya at ibinalik sa akin ang panyo ko.
" Kailan kayo nagkakilala ni Gus? " Tanong ko sa kanya.
" Kahapon lang. Naging close nga kami agad eh. Nakakalimutan ko si James sa tuwing kasama ko siya. "
Nanlaki mga mata ko. " Frezz, baka gawin mo lang panakip butas si Gus? Masasaktan mo siya.
" Hindo yun! Walang gusto yun sa akin. Friends lang kami. At nakakalimutan ko ang sakit kapag andyan siya. Oh sige na. May klase pa ako. Bumalik ka na rin aa classroom mo. Sige ah. Bye. "
Naiwan ako sa hall. Sa loob ng isip ko...
" Rebound ni Frezz si Gus? "
........
........
Bitin po ba? Don't worry. More parts to come. Enjoy reading. :)
- Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
JugendliteraturMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...