Gus' pov
Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung ano ang problema nina Marlon at Kylie.
...
Anong araw na ba? Matingnan nga sa phone ko.
August 16, Thursday 10:37 a.m.
Muntik ko nang mahulog ang phone ko.
" Oo nga pala! " sabi ko sa sarili ko.
Nagbihis ako agad at nagbisikleta paalis.
Frezz's pov
" OMG!!! " Sigaw ko habang nakatabon ang mga kamay ko sa mukha ko.
" Bakit ko ito nakalimutan? Dapat maunahan ko si Gus! " Dagdag ko pa.
Madali akong nagbihis at sumakay ng jeep.
Sa Mall...
Naghanap ako ng Department Store.
Ayun! Nakahanap rin.
Pumasok ako agad at naghanap na ng damit na panlalaki. Hindi ako nakatingin sa harapan ko kaya nakabangga ako ng isang lalaki.
* Ughf *
" Fre...zz? " Sabi niya
" Gus? " Sabi ko.
" uh... Happy Weeksary! " Sabay kaming bumati sa isa't-isa.
" Nakalimutan ko.. " Sabay na naman kami.
Tawa na lang kami ng tawa.
" Kumain na lang tayo sa labas. " Mahinahon niyang sabi habang nakatingin at nakangiti sa akin.
" Ikaw bahala. " Sabay ngiti ko sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng Department Store.
...
Ang Saya lang 😊
Pumasok kami sa isang restaurant at nag-order. Maya-maya ay dumating na ang mga order namin.
" Frezz. "
Napatingin ako sa kanya.
" Bakit, Gus? " Nakangiti kong tanong sa kanya.
" Ano kaya pwede nating tawagan sa isa't-isa? " Agad niyang tanong.
Akala ko kung ano na, yun lang pala.
Pero oo nga, ano kayang pwede?
" Babe? " Suggestion ko.
" Huwag! Parang tuloy mga baboy tayo. " Natatawa niyang sabi.
Napatawa lang ako sa sinabi niya.
" Eh ano? " Tanong ko ulit sa kanya.
Naiwan kaming magkatinginan sa isa't-isa.
........
........
- Sorry po ulit sa late update. Excited na ako for tomorrow dahil field trip ng school namin. Yehey! Comment po kayo kung anong gusto niyong maging tawagan ng ating lovebirds. Hehehe. Enjoy reading! :)
- Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Teen FictionMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...