To Realize

19 5 0
                                    

Marlon's pov

Nakita ko si Gus na umiiyak palabas ng hall. Nakita ko rin si Frezz na nakatayo ng mag-isa dun. May problema ba? Alam na ba ni Gus?

Sinundan ko si Gus kung saan siya pumunta. Nasa rooftop siya. Dun siya lagi nagbubuhos ng lungkot at galit. Umupo ako sa tabi niya.

" Pare, anong problema? "

" Ang sakit pare. " Sinimulan niya habang umiiyak siya. Daig pa ang namatayan kung humagulhol ito. " Rebound... Rebound lang pala ako ni Frezz. Umasa ako. Ang tanga ko. Ang bilis ko kasi magmahal. Ayan tuloy, nasaktan din ng mabilis. "

" Ok lang iyan pare. Alam mo ba nasabi rin sa akin yan ni Frezz nung absent ka kasi.... "

Sumabat siya bigla.

" Alam mo? Bakit hindi mo sinabi!? Kung alam ko na dati pa edi sana hindi ako nasaktan ngayon! "

" Sasabihin ko na sana yun sayo nung bumisita ako sa iyo pero may sakit ka eh baka lumala pa baka hindi pa right time na malaman mo nung araw na yun. Pero sasabihin ko naman talaga sayo naghahanap lang ako ng tamang oras. Maniwala ka sa akin pare. "

" Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko... At huwag mo nga akong i-pare. Wala kang kuwentang kaibigan! "

Nagulat ako. Napatayo ako.

" Edi huwag kang maniwala! Andito ako para damayan ka hindi makipag-away. Kung ayaw mo maging kaibigan ako, edi huwag! Hindi ka kawalan! "

Tumayo na ako at umalis. Pero sa loob ko nasaktan talaga ako. Sa tagal naming magkaibigan ni Gus ngayon lang siya naging ganyan. Umiyak na lang ako.

Gus' pov

Naiwan ako. Medyo naibuhos ko yung galit ko kay Marlon. Pero hindi ko muna yun inisip. Kailangan ko ng panahon.

Umiyak pa ako lalo.

" Bakit Frezz? Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito? "

Umiyak ako ng matagal. Ang sakit talaga.

Hinintay kong mag-uwian ang lahat bago ako bumaba sa rooftop.

Tumigil na muna ako sa pag-iyak.

" ... Kuya? Matanong ko lang po kung kayo po ba si... Mark Agustin? "

" Oo ako nga. Bakit?  "

Pag-lingon ko....

Isang babaeng nakasalamin.

........

........

- Medyo maikli lang po ngayon baka kasi napapabilis ko na agad yung story eh. Hehehe alam niyo na po sino yung girl na naka-salamin. Hehehe. Enjoy reading po.
:)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon