Red's pov
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak ako ng umiyak.
Lumapit si Marlon at tinapik ako sa balikat.
" A-alam mo ba kung asan siya? " Nakadungong tanong ni Gus.
Nakita kong hinampas pa siya ni Frezz.
" Gus, tanungin mo yan sa tamang oras, agad ka namang susugod eh. " Sita ni Frezz kay Gus.
" Sorry naman. " Sagot ni Gus habang hinihimas ang balikat niya.
" Ok lang. Ano po ba ang problema tungkol kay Kuya? " Tanong ko.
Napatigil sila at nagtinginan.
Huminga sila ng malalim ng sabay-sabay.
" Karapatan mong malaman. " Tugon ni Kylie.
Sinabi nila sa akin ang lahat mula sa paghihiwalay nila ni Frezz hanggang sa pagkawala ni Kuya.
" Hi...Hindi ko alam. " Napadungo ako at nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.
" A... Alam mo ba kung asan siya? " Tanong ulit ni Gus.
Napatahimik ako.
Sasabihin ko ba?
" Nasa.... Nasa Mansyon. "
" Sa...Mansyon?! " Sigaw ni Frezz sa akin.
" Alam mo yun Frezz? " Gulat na tanong ni Gus.
" Pumunta na tayo doon. Ngayon! " Galit na sambit ni Frezz.
Bago pa siyang tuluyang lumabas ay hinawakan niya ang kamay ko.
" Salamat. " Tugon niya sa akin.
Nginitian ko siya at sinuklian niya rin ako ng ngiti.
Sumunod ako sa kanila at umalis.
Kuya....
....
Nakarating na kami sa Mansyon.
" Ang laki naman. " Sabi ni Marlon.
" Oo nga, sinong mga nakatira dito? Tagung-tago naman kasi ang lugar na ito. " Sabi ni Kylie.
" Si Kuya lang. " Malumanay kong sagot.
Napanganga sila sa sagot ko.
" Siya....siya lang? " Tanong nila ng Sabay.
Tumango ako.
Habang manghang-mangha sila sa nakikita nila ay mukha namang seryoso si Frezz.
" Ok ka lang? " Narinig kong tanong ni Gus sa kanya.
Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ni Gus.
Oh, I'm sorry girl for causing you much pain, Didn't mean to make you cry, make your efforts all in vain.
" Naririnig niyo yun? " Seryosong tanong ni Frezz.
" Oo. " Sabay-sabay naming sagot.
Tumakbo si Frezz patungo sa gitna ng mansyon dahilan para sumunod kami sa kanya.
....
....
At nakita namin siya.Naka-upo si Kuya sa may piano at tumutogtog habang kumakanta at nakapikit.
And I apologized for all the thing I've done,
You were loving me so much
But all I did was let you down.Oh, I really don't know just what to say
All I know is that I want you to stay.This time I'm not gonna let you slip away
This time I'm not gonna let another day go by, without holding you so tight
Without treating you so right
This time I'm not gonna let go of your love....Bumukas ang mga mata ni Kuya at huminto sa pagtugtog ng makita niya kaming lahat.
May luhang pumatak sa mga mata niya.
" F-Frezz? " Gulat niyang tanong habang nakatingin kay Frezz.
Tumayo siya at lumapit kay Frezz pero sa isang iglap nakita ko na lang siyang naka-upo sa sahig habang nasa harapan ni Frezz si Gus, nakasarado ang kamao.
Tumayo si Kuya pero sinuntok ulit siya ni Gus at napa-upo ulit si Kuya sa sahig.
Tumakbo ako kay Kuya at tinulungang makatayo. Nanatili akong tahimik.
Lalaban pa sana si Kuya pero inawat ko siya at inawat rin ni Frezz si Gus.
" Ano bang problema mo?! " Sigaw ni James.
" Ako dapat ang magtatanong niyan sayo, anong problema mo? Matapos lahat ng ginawa mo aakto kang walang nangyayari lalapitan mo pa itong si Frezz. "
Tumahimik si Kuya at napa-upo sa sahig kaya nabitawan ko siya.
" Wala kayong alam! Wala kayong alam! " Sigaw ni Kuya. "
" Anong ibig mong sabihin? " Tanong ni Frezz.
Nagulat si Kuya nang magsalita si Frezz, dahilan para tingnan niya ito.
Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ni Kuya.
" Na-aalala mo ba nu-nung nakita mo akong may ka-kasamang babae? " Tanong ni Kuya sa kanya.
Tumango si Frezz.
" Kung hindi yun nangyari.... " Naputol ang sasabihin ni Kuya at tumahimik siya.
" Ano?! Sabihin mo na James! Ano ba! Ka- " Pinutol ni Kuya ang sasabihin ni Frezz.
" Mamahalin mo pa rin ba ako? "
...
That made the whole mansion quiet.
........
........
- I missed you all so much! Super sorry sa super late update! Na-busy masyado sa school. Ang hirap ng high school life! Whooo. Mabuti na lang at suspended ngayon. Super sorry po talaga kung natagalan kayo ng paghihintay. Thank you rin po sa mga new followers ko at dedicated po sa inyo ang chapter na ito. Thank u!
-Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Novela JuvenilMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...