To Realize ( Part 2 )

18 6 2
                                    

Marlon's pov

Hindi ko ito kaya. Ang sakit, sobrang sakit. Naglalakad lang ako sa school na parang nawawala lang.

" Marlon, pare! "

Lumingon ako, si... Si Gus pala.

Inakbayan niya ako. " Matamlay ka ata? " Tanong niya. " Yan ba ang bunga ng pagmamahal? " Natatawa niyang sabi.

" Oo. " Matamlay kong sagot.

" Hahaha. Eh bakit ako, masaya? Sinagot na ako ni Frezz! Kami na!! " Tuwang-tuwa niyang sabi.

Natahimik lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

" Tahimik mo ata? " Tanong niya sa akin.

" Ano kasi Gus... Si Kylie.... Ano eh... Hindi na ako nanliligaw. " Mahina kong sabi.

" Ha? Bakit naman? " Nagtataka niyang tanong.

" Ayaw niya na daw eh... Tsaka... May mahal na siyang iba. " sabi ko

" Sige Gus mauna na ako... Bye! " Tumakbo na ako agad at nagsimula nang umiyak ulit. Ang sakit. Sobrang sakit kung malaman mong ang mahal mo ay may mahal rin palang iba, pinakamasaklap: BEST FRIEND ko ang mahal niya!

Gus' pov

Ano kaya ang problema? Bakit hindi na siya nanliligaw kay Kylie? Ano bang nangyari?

Papunta na ako ng room nang makita ko si Kylie. Kaya, nilapitan ko siya.

" Kylie! " Tawag ko sa kanya.

Lumingon siya agad. Tila gulat na gulat siya nang makita niya akong papalapit sa kanya.

Kylie's pov

Hala! Si Gus, papalalit sa akin. Magtatanong na sana siya nang...

" Um... Gus... May gagawin pa kasi ako. Uh... Mamaya na lang. "

Tumakbo ako paalis nang makabangga ako ng isang lalaki.

Nahulog ako. Nilaan niya ang kamay niya at pagtingala ko...

" Kuya Mike? Bakit ka andito? " Tumayo ako at sabay ngiti sa kanya.

" Dito na ako nag-aaral. Kamusta ka na? " Masigla niyang tanong.

" Ganun ba? Oh sige kuya, mauna na ako. Bye! "

Tumakbo ako ulit at pumasok na ng room.

Marlon's pov

Andito ako ngayon sa rooftop ng pinakamataas na building sa school. Nakaupo lang ako sa gitna. Ayaw kong pumasok. Wala along gana. Dito na lang ako magmumukmok. Ang sakit. Napakasakit.

" ANG SAKIT NAMAN KYLIE! BAKIT! BAKIT MO TO NAGAWA SA AKIN! " Sigaw ko nang malakas habang umiiyak.

Bakit?.... bakit?

........

........

- Kamusta po? Sorry sa late update guys. Peace po. Busy po talaga sa school. Thank you for understanding. :-)

- Nicole012005


The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon