The Truth (Part 2)

6 6 0
                                    

Kylie's pov

Inaayos ko na yung gamit ko dahil matatapos na yung lunch at babalik na ako sa room, dahil Friday, good mood ako ngayon. Naglalakad na ako papunta sa room at na-

Riiiiiiing! Riiiiiiing!

Biglang nag-ring yung phone ko.

(Ate Frezz

Accept/Decline)

Pinindot ko yung accept at nilagay yung phone ko sa tenga ko.

" Hello? " sabi ko.

" Kylie, pumunta ka dito sa clinic ng school. " sabi ng boses sa kabilang linya, pero hindi si ate. Boses lalaki.

" Sino ito? " nagtataka kong tanong.

" Si Gus 'to. Pumunta ka sa clinic agad, kasama ko si Frezz, hinimatay siya. " Malamig ang boses niya.

" Ano?! Ah... Sige, papunta na ako diyan!! " Pinatay ko agad yung tawag at madaling tumakbo papuntang clinic.

....

Bakit hinimatay si ate? Anong nangyari? Nag-aalala na ako. At, bakit magkasama sila ni Gus?

Marlon's pov

Nakita ko si Kylie na tumatakbo, wow ang bilis!! As in, ngayon ko lang siya nakitang tumakbo ng ganito kabilis. Saan siya pupunta? Nag-decide akong sundan siya at nakita kong huminto siya sa pintuan ng clinic at pumasok.

Pumasok na rin ako at laking gulat ko na nakita ko si Frezz na nakahiga sa kama kasama si Kylie at.... Gus? Anong ginagawa niya dito?

" Marlon? Anong ginagawa mo dito? " Nagtatakang tanong ni Kylie.

" Nakita kasi kitang tumatakbo at sinundan kita. " Pagpapaliwanag ko.

" Anong nangyari? Bakit siya hinimatay? " Tanong ni Kylie na ngayon ay nakatingin na kay Gus.

Ang lamig ng tingin ni Gus, ibang-iba na siya sa dating Gus na nakilala ko. He looks weak, ang lamya ng appearance niya.

Hindi makasagot si Gus. Nanatili lang siyang tahimik at nakayuko.

Gus' pov

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula. How can I explain to them? Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Masaya, dahil nalaman kong mahal pa rin ako ni Frezz, malungkot at nag-aalala ako para sa kanya at pagtataka kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin at sinabi sa akin ni Kylie na siya ang dahilan ng lahat.

Matagal nanatiling tahimik ang paligid, napansin kong si Kylie na labis ang pag-aalala pero imbes na magpaliwanag, iba ang lumabas sa bibig ko.

" Bakit ikaw ang dahilan nang paghihiwalay namin ni Frezz? " Malamig kong tanong kay Kylie.

Nagtinginan si Kylie at Marlon at huminga ng malalim. Tumingin muna si Kylie ng kaliwa at kanan, para bang may hinahanap at huminga ulit ng malalim.

" I think its time for you to know the truth. " Seryoso niyang sabi.

Magsasalita na sana siya nang biglang nagising si Frezz.

Frezz's pov

Nagising ako at nakita ko si Gus, Kylie at Marlon. Nasa clinic kami at nakahiga ako. Hinimatay pala ako.

Feeling ko nag-uusap sila nang natigil iyon at tumingin sa akin.

" May.... pinag-uusapan ba ka...kayo? " putol-putol kong sabi dahil nanghihina pa rin ako.

" Ate, naalala mo ba nung naghiwalay kayo ni Gus, dahil sa akin? " Seryosong tanong ni Kylie na nasa harap ko.

Nag-nodd lang ako. Masyado akong mahina para magsalita.

Huminga siya ng malalim bago mag-salita.

" Tinakot lang ako. Tinakot lang ako ni James. Gusto ka niyang makuha ate, balak niyang agawin ka kay Gus. Kung hindi ko raw kayo paghihiwalayin, papatayin niya ako at ikaw, ikaw din ate. Kaya imbes na sagutin ko si Marlon, nagkunwari akong may gusto kay Gus para mapaghiwalay ko kayo...... I..... I'm so sorry ate.... " Umiiyak na siya at napayakap kay Marlon. " Natakot akong mamatay at natakot rin akong mawala ka ate. I am so sorry. " umiyak na siya ng tuluyan.

Si Marlon naman ay napaiyak na din.

" Kylie, tahan na.... " Mahinang sagot ni Marlon.

And I didn't realize that a tear already ran down from my left cheek. Tumingin ako kay Gus, at umiiyak rin siya.

Tumingin sa akin si Gus at nagkatinginan kami ng matagal. Tumingin rin sa amin si Kylie at Marlon.

" Frezz.. " mahinang sabi ni Gus.

" Gus..... " Umiiyak pa rin ako.

Lumapit siya sa akin and the next thing that happened was unexpected.

...

He kissed me.

.....

Nagulat ako but I chose to close my eyes and kissed him back.

........

.......

- Yehey!!! Almost ok na sila!!! Si James nalang hehehe. Musta po ang update ko mga readers? Comment po kayo at vote, its much appreciated. Thank you po. Bumabawi ako sa inyo ngayon, love u all!!

-Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon