Sorry

11 4 0
                                    

Gus' pov

Two weeks na rin ang lumipas nang matapos ang birthday ni Frezz. Ngayon ay naglalakad-lakad lang kami sa park ng subdivision namin. Ang saya naman kapag laging ganito. Hawak ko ang kamay niya at nag-uusap lang kami.

Nahagip ng mata ko ang isang taong nakatayo sa isang puno. Naglakad siya malapit sa amin. Hindi ko siya kilala pero nang tiningnan ko si Frezz ay mukhang kilala niya ito. Naramdaman ko na lang ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

" Frezz. " sabi ng mama na nasa harapan na namin ngayon.

" Anong kailangan niyo, tito? " biglang naging seryoso mukha at boses ni Frezz.

" Maaari ba kayong pumunta kay James? " tanong niya na nagpakunot ng noo ni Frezz.

" Bakit? " tanong ni Frezz.

" Please, Frezz. Sana pumayag ka. Para ito sa anak ko. For closure. "

Tiningnan ako ni Frezz at napansin na nao-op ako.

" Tatay ni James. " turo ni Frezz sa mama.

Tiningnan ko ulit yung mama at dumungo siya.

" Pupunta kami bukas. For closure. " Seryoso kong sabi sa mama.

" Are you sure? " bulong sa akin ni Frezz.

Tumango naman ako.

Tumingin sa amin ulit yung tatay ni James at ngumiti ng konti.

" Maraming salamat. " Tumalikod na siya at naglakad na palayo.

Pero bumalik agad siya at may inabot na papel sa akin.

" Sana basahin mo, mula kay James. "

Tinanggap ko ang papel at tuluyan nang umalis siya.

Tiningnan ko ang papel at binasa ang unang nakasulat.

I'm Sorry.

Tinupi ko muna ang papel at tiningnan si Frezz.

" Mamaya na natin basahin. " sabi ko.

Tumango na lang siya at niyakap ako.

" Thank you for being here. Thank you for understanding. " bulong niya sa akin.

Kumalas siya sa yakap.

" I love you. " sabi ko sa kanya.

" I love you too. " nakangiti niyang sagot.

........

........

-Sorry po sa late update. Busy po kasi dahil pumupunta po ako sa mga schools para mag-entrance exam for high school. Thank you for understanding.

-Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon