Seeing You Again

24 6 1
                                    

Gus' pov

Kakarating ko lang ng school. Naglalakad na ako papunta ng room namin ng biglang... ng biglang nakita ko si Frezz. Ang sakit, lahat ng sakit na binigay niya sa akin bumabalik. Nang biglang nakita niya rin ako kaya tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanya.

Frezz's pov

Nakita ko si Gus. Tumakbo siya papalayo. Hahabulin ko sana siya kaso baka lalo lang siyang magalit sa akin. Ayaw kong tuluyang masira ang pagiging magkaibigan namin.

" I am so sorry Gus. " Ang nasabi ko sa sarili ko.

Hindi ko ginusto na maging ganito. Hindi ko sinasadya na masaktan siya. Yun lang talaga ang tingin ko sa kanya, isang kaibigan na andyan kapag kailangan ko siya. Rebound na ba yun? Hindi naman kami. Pero kasalanan ko parin dahil yun ang ipinaramdam ko sa kaniya.

" Frezz! Frezz! "

Napalingon ako. Si Marlon lang pala.

" Bakit Marlon? "

" Wala nangangamusta lang. Uy, Frezz may sasabihin ako sayo. May crush ako. " Nakangiti niyang sinabi.

" Sino? " Agad kong tanong.

" Si Kylie. "

Nagulat ako. Nagkakamabutihan na pala sila.

" Talaga? UY. Ingatan mo kapatid ko ha. Huwag mo siyang saktan. "

" Hahaha. Wala pa nga eh. Crush ko pa lang. Tsaka hindi ako tulad mo. Hahahaha. "

Hinampas ko siya ng malakas sa braso. Grabe naman ito.

" Alam mo pala ang nangyari? " Tanong ko sa kanya.

" Syempre. Updated kaya ako. "

Natawa ako. Nagpaalam na ako kay Marlon at pumunta na ako sa klase ko. Habang discussion wala akong ibang iniisip kundi si Gus. Nakokonsensiya ako dahil nasakatan ko siya. Nang bigla akong tinapik ng kaklase ko.

" Uy Frezz. Ang lalim naman ng iniisip mo. " Ang bulong sa akin ni Carla.

" Ay. Wala ito. " Sagot ko sa kaniya.

" We. Sigurado ka? "

" Oo nga. Dun ka na. Mahuli pa tayo ni Maam. "

Nakatulala lang ako sa bintana ng room namin hanggang recess break na.

Bumaba ako papuntang canteen. Nakita ko si Gus na nakaupo sa may gilid. Hindi siya ang Gus na nakilala ko.

Lumapit ako sa kanya.

" Pwede bang maki-upo? " Mahina kong tanong sa kanya.

Lumingon siya sa akin. Halatang umiyak siya. Ang lalim ng eyebags niya.

" Sagot naman. "

Pero hindi siya sumagot. Dumungo siya at nagsimula nang umiyak. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na umiyak rin.

" Bakit... Bakit pa kasi ikaw pa ang... minahal ko? " Tanong niya habang umiiyak.

Sa buong buhay ko, first time kong makakita ng lalaki na umiiyak dahil sa akin.

" Gus, pata... Patawarin mo na ako. " Umiiyak rin ako.

Hinawakan ko kamay niya na nakapatong sa mesa.

" Hindi ko sinasadyang.... Saktan ka. Alam mo yun.... Masakit para sa akin na makita kang ganito. Kaibigan kita. "

Tumingin siya sa akin at tinanggal ang kamay niya sa ilalim ng kamay ko.

" Hindi mo ba akong pwedeng patawarin? " Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. Isang malungkot na ngiti.

" Hanggang mag-hilom na ang sugat na iniwan mo sa puso ko. "

Umalis na siya. Naiwan ako sa canteen ng luhaan. Pinunasan ko na ang luha ko at bumalik na sa classroom.

Carla's pov

Nakita ko si Frezz na pumasok ng room. Namamaga ang mata niya. Umiyak siguro siya. Habang wala pa ang teacher namin nilapitan ko siya.

" Friend, may problem ba? Mukhang galing ka sa pagiyak eh. "

" Wala... Wala to. Baka puyat lang to."

" Hindi kaya. Pula mata mo tapos may dala kang panyo, tapos puyat? Huwag mo nga akong paglolokohin. "

" Oo na nga. Umiyak ako. "

" Bakit? "

Biglang dumating si Sir Litiangco kaya hindi niya na nasagot tanong ko.

" Mamaya na lang ha. " Sabi ko sa kanya.

Tumungo siya at nag-discuss na si Sir.

" Ano kaya ang problema? " Ang nasa isip ko.

........

........

- Sorry kung natagalan ang update. Back to school na kasi eh. Pasensya po. Musta naman po ang story? Nagustuhan niyo po ba? Enjoy! :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon