The Bridge

12 5 0
                                    

Mike's pov

Hayss. Natapos na rin agad ang first two lessons sa umaga. Lumabas na ako ng classroom at nakita ko si Frezz na may kausap na lalaki. In fairness ang pogi! Hay naku Mikela, dalaga na!!

Yes. Confirmed! Unicorn ako mga bes!!

Hinintay ko muna umalis yung lalaki bago maiwan si Frezz.

Hindi ko maalis ang itsura ng lalaki. Hayss ang gwapo!!

Hay naku Mike! Eto ka na naman. Baka ma-late ka pa sa next class mo.

Pero.... feeling ko nakita ko na yung lalaki.

Kinalimutan ko muna ang mysterious guy at dumiretso na sa classroom.

Pagdating ko ay nahagip ang paningin ko sa isang sulok sa classroom.

Paglingon ko ay nakita ko ang lalaking kausap ni Frezz kanina.

OMG! Classmate ko pala siya sa third subject ko? Ngayon ko lang napansin.

Pero wait.... parang naka-poker face siya? Parang ang lungkot niya?

Nagkasalubong ang mga mata namin pero dumungo siya at umiwas ng tingin.

Kilala niya na ako?

Nagkita na ba kami dati?

Nakita niya na ba ako dati?

Mabuto na lang at wala pa si Prof. Malapitan nga si Pogi!

" Heller! I am Mike. Mikela for short. " pa-cute ko.

Ang suplado. Hindi man lang ako pinansin.

" Uy! Heller? " Pagpapapansin ko

" Mark Agustin. Gus na lang. " malamig niyang sagot.

" Nakita kong kausap mo si Frezz. Kilala mo siya? Best friend ko kasi siya. " Masigla kong sabi.

" ....Ex ko siya. " Dumungo na siya ulit.

Nagulat ako. Magtatanong pa sana ako kaso dumating na si sir.

OMG!! Totoo ba? Ex niya si Frezz?

Ano ba Mikela!!! Hindi ka na-update!!!

Hay naku!!!

Pagkatapos ng klase ay recess na. Madali akong pumunta sa canteen para pumila.

Pero ang nasa loob ng brain ko....

" Ex ni Frezz yung Gus na yun? "

But how?...

........

........

- Sorry sa super late update. Babawi ako sa mga susunod pang updates. Thank you po for understanding. I love you readers!!! Dumadami po ulit ang mga nakakakita ng story ko.   Enjoy po. Mabuti nga at natapos na ang mga test namin kaya po nakapag-update. Hihihi

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon