Gus' pov
Ang liwanag naman! Ang lamig ng hangin! Minulat ko ang mga mata ko. Nakatulog nga pala kami ni Frezz dito sa school. Ang tagal rin kasi naming nag-usap kagabi.
Kylie's pov
Hindi nakauwi si Ate kagabi. Nag-aalala ako sa kanya. Asan na kaya siya? Nagmamadali ako pauntang school. Nagbabakasakaling andoon siya.
Naglalakad ako sa school nang...
" Kylie! Kylie! "
Si Marlon pala.
" Kamusta Marlon? Hindi kita nakita kahapon pumasok. Anong nangyari sayo? " Tanong ko.
" May sakit lang po. Bakit? Na-miss mo ba ako? " Pang-asar niyang tanong.
" Ewan ko sayo. Siyanga pala, alam mo ba kung saan si ate? "
" Ha? Oo. Nakita ko siya kanina naglalakad galing sa building 3 kasama si Gus. "
Napasimangot ako. Bakit si Gus kasama niya? Sa dami dami ng tao dito si Gus pa talaga?
" Ah... Ganun ba? Oh sige una na ako. " Pag talikod ko hinila ako ni Marlon at hinawakan ako sa may pisngi.
" Mag-usap tayo mamaya. Lunch. "
Pagkatapos ay umalis na siya.Ano ba pag-uusapan namin? Bakit kailangan niya akong hawakan sa pisngi?
Frezz's pov
Naglalakad kami ni Gus papunta sa mga rooms namin. Nakatulog na talaga kami dito.
" Sana maulit ulit. " sabi ni Gus.
" Ha? Ang alin? " nagtataka kong tanong.
" Yung sleep over. " Nakatingin siya sa akin.
" Sleep over? Dito? Bakit naman? " Sunud-sunod kong tanong.
" Kasi dahil dun sa sleep over, pwede na kitang ligawan. " Sabay kindat
Tumawa na lang ako. Nasa room ko na pala kami.
" Pasok ka na. " Mahinahon niyang sabi.
" Paano ka? " Tanong ko.
" Ok na ako kapag nakarating ka na. Pupunta na rin ako sa room ko. Ma-mi-miss kita. " Sabay hawak sa pisngi. Napatingin ako sa kanya at sa sarili ko. Suot ko pa pala ang jacket niya.
" OA mo! Dito lang ako. Mamaya na itong jacket mo ah. " Paalala ko.
Tumango na siya at umalis. Pumasok na rin ako sa room.
Kylie's pov
Ano kaya ang pag-uusapan namin ni Marlon? Bakit kasama ni Atr si Gus? Nakakalito naman. Ang dami kong tanong hindi ko masagot sa isipan ko.
" Kylie! "
" Ay, Kylie! Bakit Janna? Anong problema? " Tanong ko kay Janna, kaklase ko.
" Kanina ka pa kasi tulala eh. Ok ka lang ba? " Concerned niyang tanong.
" Oo. Ok lang ako. " Bitin kong sagot.
Ano ba nga kasi ang mga sagot sa mga tanong ko....
........
........
- Pinaikli ko lang po kasi baka masyado po kayong namadali sa last update ko yung sa Process ( Part 3 ) hehehe. Sorry din po sa late update ulit. Enjoy reading :)
- Nicole012005

BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Teen FictionMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...