Gus' pov
Bumalik na ako ng room matapos kong umalis kanina sa pag-uusap namin ni Frezz. Hindi ko pa siya kayang kausapin ng maayos.
Natapos na ang morning classes. Since lunch na pumunta ako sa campus park.
" Hi! "
Tumingala ako. Yung babaeng nakasalamin pala. Parang hindi man lang siya nagalit sa nagawa ko kahapon.
" Um... Miss... Sorry kahapon. Nadamay lang kita sa hindi pagkakaunawaan namin ng kapatid mo. "
" Ok lang yun. Anyway I am Kylie. Half sister ni Frezz. "
" Gus, friends? " Nilaan ko kamay ko.
" Friends. " Nakipagkamay rin siya.
Nagtataka ako bakit hindi man lang siya nagtanim ng sama ng loob sa akin. Feeling ko tuloy close kami.
" Dito ka kumakain? " Nakangiti niyang tanong
" Oo. " Bitin kong sagot.
" Ok na ba kayo ni Ate? "
Napadungo ako. Hindi ko pa kayang pag-usapan siya.
" Halika. " Pagbabago niya ng topic.
Hinila niya ako bago pa ako makapagsalita. Pumunta kami sa rooftop sa 4 storey high na building sa likod ng school.
" Bakit tayo nandito? " Tanong ko sa kaniya.
" Isigaw mo lahat ng lungkot at galit na nararamdaman mo. Don't worry hindi kita pagtatawanan. "
" Bakit ko ito ginagawa? " Tanong ko ulit.
" Gawin mo na nga lang. "
" Ok. "
" AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH! "
Ang lakas ko pala sumigaw. Pagkatapos hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
" Bakit mo ako sinaktan Frezz?! Bakit pa kita minahal?!.... Sana ... Sana hindi na lang kita nakilala. "
Hinawakan ni Kylie ang balikat ko.
" Ok lang iyan. Sige pa. Push! "
" AAAAAAAAAAHHHHHHH! "
Sumigaw pa ako ng ilang beses hanggang napagod na ako. Pinunas ko na rin mga luha ko.
" Salamat. Nakatulong para mabawasan ang sakit. Pasensya sa mga iba ko pang nasabi. " Sabi ko sa kanya.
" Asus. Wala yun. Pasok na tayo. Malapit na ala-una. " Sabi niya sa akin ng nakatingin sa relo niya.
Nang maghiwalay na kami sa room pumasok ako ng may ngiti. Napansin ni Marlon ito.
" Blooming ka pare ah. "
" Blooming ka diyan. Diyan ka na nga. " Sagot ko.
" Nakamove-on ka na ata sa kaniya ah. "
" Malapit na, Marlon. Malapit na. "
Tinapik ako ni Marlon at bumalik na sa upuan niya. Bigla kaming nakarining ng....
" RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! "
........
........
- Short update. Hehehe. Good news readers, share ko lang po Top 1 po ako yehey!! Hahaha happy much
Sorry ulit sa late update. Salamat sa pag-unawa. :)- Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Teen FictionMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...