After 1 year...
Frezz's pov
One year. One year na akong umaasa at naghihintay na babalik pa siya.
One year.
Nandito ako ngayon sa school. Lunch break at nandito ako sa hall, kasama si Kylie at Marlon.
" Ate. Ate, psst! "
Bumalik ako sa diwa ko. Natulala na naman ako.
" Ba-Bakit? Bakit Gus? " tanong ko.
" Ate, si Kylie 'to. Andito ako at si Marlon. " Sabay turo niya kay Marlon.
" Frezz, ok ka lang ba? Iniisip mo siya noh? " Tanong ni Marlon.
" Hindi mo naman ako masisisi, Hindi ko alam kung ok ba siya, kung maayos na kondisyon niya, kung....... Kung buhay pa siya. " Dumungo ako at naluluha na naman ako.
Niyakap ako ni Kylie at hinihimas ang likod ko.
" Ate tahan na. " Sabi ni Kylie.
" Ang sakit kasi Kylie. " kumalas ako sa yakap. " Natatakot ako sa maaaring mangyari. Wala akong kaalam-alam sa sitwasyon niya ngayon. " Inabutan ako ni Marlon ng panyo.
" Magiging ok lang ang lahat, Frezz. " sabi ni Marlon
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang panyo na binigay ni Marlon.
" Frezz, araw-araw kang ganyan. Nauubusan na ako ng panyo. " Biro ni Marlon kaya siniko siya ni Kylie.
" Wala naman kasing nagsabi na lagi mo siyang bigyan ng panyo! " Sabi ni Kylie sabay irap.
" Nagmamagandang loob na nga yung tao eh. Tsk. " Umiling si Marlon.
" Ate, lagi ka na lang ganyan. Alam namin na nag-aalala ka para kay Gus pero 'wag naman sa ganitong paraan. Nahihirapan ka na. Pwede ka namang maghintay pero 'wag ganito. Halos hindi ka na makatulog sa gabi. Muntik mo na nga mabagsak yung ibang subjects mo last year eh. Ate, tulungan mo sarili mo. Ate, please. " Sabi ni Kylie.
Tama si Kylie...... I've realized kung gaano kalaki ang pinagbago ko. I've changed..... Not in a good way.
" I'm sorry. I'm hoping na babalik siya, I'm waiting. Natatakot lang ako na baka naghihintay na lang ako...... Sa wala. " Screw these tears!
" Ate, habang naghihintay ka, do something naman. Occupy sometimes your mind. Hindi magugustuhan ni Gus kung makikita ka niyang ganito. " Sabi ni Kylie at pinunasan ang mga luha ko.
Everything changed since that day.
Flashback*
" GUUUUUUUUUUUUUUSSSSSSS!!! "
Tumingin ako sa paligid pero ni-anino ni James hindi ko nakita.
" Fr...... Frezz. " Nanghihinang tawag sa akin ni Gus.
" Gus!..... Ta.... Tatawag ako ng ambulansya. " Namumuo na ang mga luha ko.
Tumawag ako agad ng ambulansya at tinawagan ko na rin sina tita.
Maya-maya ay dumating na ang ambulansya at kasunod namang dumating sina tita at tito.
Wala nang malay si Gus at lalo akong kinabahan.
Sumakay na kami sa ambulansya.
" I'm sorry, tita. I'm sorry, tito. " Pumatak na ng tuluyan ang mga lintik na mga luhang 'to
" Its not your fault, Frezz. " Naluluha na rin si Tita.
" Don't blame yourself. " Umiiyak na si Tito.
Nakarating na kami sa ospital ng hindi ko na namalayan.
Dinala si Gus sa emergency room at kaming tatlo ay natira sa labas.
Nagdadasal ako ng biglang lumabas ang doktor.
" Doc, how's our son? " Sabi ni tito at tumayo kaming tatlo.
Tinanggal ng doktor ang mask niya at umiling.
" You need to send him to States. Hindi namin kaya tanggalin ang bala. Malapit ito sa puso niya. Kung gagawin namin yun dito sa Pilipinas, it might cost his life. " nakadungong sabi ng doktor.
Napa-upo na lang ako at umiyak samantalang nakayakap sina tito at tita sa isa't-isa habang umiiyak.
" I'm so sorry. " Huling sabi ni doc at umalis na.
End of flashback*
Since that day, wala na akong nabalitaan sa kanya.
RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!
" Pasukan na ulit. Tara na. " Aya ni Marlon.
Mag-isa na akong pumunta sa classroom at napa-upo na lang sa gilid.
I wonder if he's okay.
Hindi ko man lang namalayan ay dumating na ang prof namin and I forced myself to listen.
........
........
- How's my update? Please VOTE and COMMENT. Thank you and enjoy reading. Lovelots!
- Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Novela JuvenilMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...