Somebody Cares

33 5 0
                                    


Marlon's pov

Hindi pa ako nakakarecover mula nung nangyari kahapon. Ngayon pumasok na si Gus pero may sinat pa siya. As usual pinipilit na makapasok kahit may sakit. Habang naglalakad ako sa hallway may nakita akong magandang babae. Pula ang buhok, cute, maputi, matangos ang ilong at may eyeglasses. Palingun-lingon siya sa may hallway. Parang may hinahanap. Nilapitan ko siya.

" Hello! " Sabi ko sa kanya.

" Um... Hello. " Medyo nahihiya pa siya.

" I'm Marlon. Ikaw? " Ang weird ko. Nilaan ko kamay ko.

" Um... Kylie. " Nilaan niya rin kamay niya.

" Sinong hinahanap mo, Kylie? "

" Ah. Napapansin mo ako noh? Hinahanap ko kapatid ko. "

" Ah. Sino bang kapatid mo? Pasensya Kylie kung makulit ako ah. First time kasi kita nakita dito. "

" Ah. Transferee ako. First day ko ngayon. Si Joanna Frezzie, kapatid ko. Frezz palayaw niya. "

Umatras ako ng ilang hakbang. May kapatid pala si Frezz? " Kilala ko yun. Kababata ko siya. Hindi niya nabanggit sa akin na may kapatid pala siya. "

" Ganun ba? Small world! Actually half sister niya ako. Sa Father side. "

Nagulat ako kasi bigla siyang naging open. Nawala ang pagiging mahiyain niya.

" Um... Marlon. "

" Bakit? "

" ... Wala huwag na. Sige mauna na ako. Bye. "

Parang iba ang reaksyon niya. May tinatago ba siya? May alam ba siyang alam ko rin? Tungkol ba yun kay Frezz? Kay James? O kay Gus?

Kylie's pov

Itatanong ko sana sa kanya kung kilala niya si James. Naisip ko kasi na kung hindi niya alam baka maibunyag ko pa sa iba at lumaki pa ang gulo. Pero bilib ako kasi siya ang unang nag-approach sa akin. Friendly siya.

Bigla kong nakita si Ate Frezz.

" Ate! Ate! "

Tumakbo ako sa kanya.

Frezz's pov

Nakita ko si Kylie. Palapit sa akin.

" Kylie, andito ka lang pala. Kamusta ang bago mong school? "

" Ok naman ate. May nakilala na nga ako eh. Lalaki. "

" Uy! Sino naman yang lalaking yan? "

" Si Marlon. Sabi niya kilala ka niya. "

" Oo. Kababata ko yun. Mabuti naman at nagkakilala na kayo. Hindi mo pa ba nakikilala si Gus? "

Napatingin siya sa akin ng diretso. " Sino naman yun? "

" Kaibigan ko. Alam mo ba nakakalimutan ko nga si James kapag andyan siya. "

" Baka maging kayo ate. "

Tinulak ko siya ng mahina

" Hindi yun. Walang gusto yun sa akin. Friends lang kami. Mabilis akong nakakamove-on kay James kapag andyan siya yun lang. "

Nakita kong tumaas kilay niya.

" Ate, baka saktan mo lang siya. Ang lalaki kasi mabilis matukso. Baka ma-hurt mo lang siya. "

" Hindi niya ako type. Friends lang. "

Tumingin siya sa akin ng malamig.

" Sige ate, pupunta na ako sa klase ko. Baka ma-late pa ako. First day ko pa naman. "

" Sige bye. "

Kylie's pov

Mukhang may something kay ate nung pinag-usapan namin yung Gus na yun.

" Sino kaya siya? " Ang tanong na nasa isip ko.

" May nararamdaman akong hindi tama. Kutob ko talaga, kahit hindi ko pa siya kilala, may mali... May mali kay ate. " Sabi ko sa sarili ko.

Pumunta na ako sa room. Pero ang nasa isip ko si Ate.

" Anong meron sa kanila ni ate? Bakit ganun siya mag-deny na friends lang talaga sila? Hindi ko naman pinagdidiinan ah. " Tanong ko sa sarili ko.

........

........

Musta po? Kaya pa po ba? Abangan niyo na lang po sa susunod ba updates kung anong magiging part ni Kylie sa story. :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon