Marlon's pov
Ano ba yan! Cool-off kami ni Kylie. Sabi niya nakalimutan ko daw monthsary namin, hindi naman. Ruined tuloy ang surprise ko sa kanya.
Nandito lang ako sa bahay ng biglang may humintong sasakyan sa tapat ng gate namin. Uy! Kotse yun nina Frezz ah. Baka mag-so-sorry si Kylie sa akin. Haaayy ang charms ko talaga hindi kumukupas, hindi talaga ako kayang tiisin ni Kylie.
Ay, asumero ako, hindi pala si Kylie. Instead lalaki ang lumabas. Habulan na din ba ako ng mga beki?
Lumingon yung lalaki at kumaway sa akin. Lumapit ako at namataan ko na...
Oh
My
Gulaaaaaayyyyy!
" Pare! " Tumakbo ako patungo sa kanya.
" Pare! " Niyakap niya ako.
" Kumusta? Buhay ka pa pala?! Pasok ka! " Biro ko
Hay, salamat, ok na si Gus. Sana mahanap na yung hinayupak na James!!!!!
" Alam na ba ni, Frezz? " Tanong ko.
" Oo naman, nabalitaan ko nga LQ daw kayo ni Kylie. Pare naman, dapat kasi hindi mo kinakalimutan ang mga mahahalagang araw tulad ng monthsary! " Sermon niya.
" Hindi ko naman nakalimutan eh! Manunuod sana kami ng concert mamayang gabi dahil yung paborito niyang banda may concert. Nakabili pa naman ako ng VIP tickets. Tsk. " Umiling ako.
" Paktay! Paano yan? Kailangan natin maamo si Kylie. Sayang, VIP pa naman. Baka ako pa maging date mo para hindi masayang yung ticket. " Biro niya.
" Mamaya puntahan natin. 6:00 p.m. pa naman. 10:00 pa naman yung concert. " Sabi ko.
Nagkuwentuhan ulit kami ng biglang may dumating.
"Marlon? " Si Frezz, pala.
" Why? " Tanong ko naman.
" May bisita ka. " Saka tuluyan siyang pumasok ng bahay kasama si... Kylie!!!
" Kylie, sorry na. Hindi ko naman nakalimutan eh. " Lumapit ako at niyakap siya.
" Sorry din, kasi hindi kita pinag-explain. Thank you ate, ah. " Tumingin siya kay Frezz at nginitian naman siya nito.
" Isusurprise sana kita eh. " Nilabas ko yung ticket at ipinakita sa kanya.
" Aaaaaahhhhh!!!! VIP tickets? Sa concert ng favorite kong band?! Thank you, Marlon! " Yumakap siya ulit sa akin. Natawa naman ako sa inasta niya.
" Hahaha. Your welcome. " Tugon ko.
Umupo na kami at ipinagpatuloy ang pag-uusap.
" Marlon?! "
" Sino yan? " Tanong ko.
" Si Red! " Ah si Red pala.
Pumunta ako sa pinto at pinagbuksan ko siya.
" Si Red nga pala, Gus. Boyfriend ni Carla. Naaalala mo? Yung kasama ni Carla nung bumisita siya sa akin nung nabaril ako? " Sabi ko.
" Ah Oo, naabutan ko nga na nanliligaw na siya kay Carla. Sila na pala? Congrats! " Sabi ni Gus na nakangiti kay Red.
" Wait. Parang... Parang kamukha mo si... " Dagdag ni Gus.
" Sino, Gus? " Tanong ni Frezz.
" Yung.... Yung tatay ni... James. " Pagpapatuloy ni Gus.
Napakunot ako ng noo.
" Red, sinong tatay mo? " Tanong ni Kylie.
Naningkit ang mata ni Red at nagtanong.
" A-anong problema tungkol kay James? " Tanong nito.
" Ki-kilala mo siya? " Tanong ko.
" Our father is Lorenzo Valencio. And yes, I know him. " Seryoso niyang tugon.
" OUR father? " Inemphasize pa ni Kylie ang OUR.
" Yes. OUR father.... "
" James Alvarado.... Is my "
Nambibitin ba si Red! Naaasar ako ah. Wait.....
Dumungo siya at nakita ko ang luhang pumatak mula sa mata niya.
" He's my BROTHER. "
........
........
-OMG! Now you know! Ano kaya ang magiging role ni Red sa paghahanap sa kanyang kapatid? Please VOTE AND COMMENT. And sorry kung medyo natagalan ng update. Thank you! At sana suportahan niyo ang bago kong story na " Falling for Mr. Buendia " hehehezz. Enjoy reading!
- Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Teen FictionMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...