Process ( Part 3 )

24 5 0
                                    

Frezz's pov

Sabik na sabik na akong umalis ng classroom. Ang tagal matapos ni sir. Hay naku! Tagal.....

After 999 hours... este 30 minutes

" RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! "

Sa wakas. Tapos na. Uwian na. Ay teka, mag-uusap nga pala kami ni Gus.

Naglalakad na ako sa hallway papunta sa campus park ng biglang...

" Frezz!!! "

Lumingon ako.

Oh my Gosh!!! Totoo ba ito?

" Mike!!! "

Nagsalubong kami at nagyakapan. Ang tagal naming hindi nagkita.

" Kamusta ka na, monay? " Pang-asar niyang tanong.

" Hahaha. Ok naman unggoy! Hanggang ngayon ba monay pa rin tawag mo sa akin? " Natatawa kong tanong.

" Ayaw mo? "

" Hindi naman sa ganun. " Niyakap ko siya ulit ng mahigpit.

" Sabay na tayong umuwi. Ang dami kong iku-kuwento sayo. " Sabi niya sa akin excitedly.

" Sorry Mike, hindi ako available ngayon. Makikipag-kita ako sa kaibigan ko ngayon. " Sagot ko naman sa kanya.

" Ganern ba? Sige bukas na lang. Or kung kelan ka pwede. Bye! Kwentuhan na lang bukas ah! "

" Sige. Bye Mike! " Kinawayan ko siya habang tumatakbo siya paalis.

Pumunta na ako sa hall. Pagdating ko dun, naghihintay na pala siya sa akin.

" Hi, Gus. Sorry late ako. Matagal ka na bang naghihintay? Nakipag-usap pa kasi yu...... " Napatigil ako kasi sumabat siya.

" Sino yung lalaking kayakap mo kanina lang? Boyfriend mo ba yun? At oo kanina pa ako naghihintay sayo. " Ang seryoso ng mukha niya.

Pero bakit siya ganun mag-react? Nagseselos ba siya kay Mike?

" Sorry kung natagalan ako. Tsaka si Mike yun. Best friend ko yun since grade 5. Hindi na kami nagkita after graduation nung grade 6 kami. Nag-transfer siya dito ngayon. "

Nakatingin lang siya sa notebook na hawak niya.

" Anong pag-uusapan natin? " Tanong ko.

" Iniwan ni Marlon ito sa akin. " Inabot niya yung notebook na kanina niya pa hawak. Tinanggap ko na rin. " Andyan yung mga gagawin niyo sa project niyo. Ikaw na raw ang bahala. Since assistant leader ka niya. Absent siya diba? May sakit kasi siya. " Dagdag niya pa.

" Ganun ba? Ok sige. Salamat. Gagawin ko na ito mamaya. Uwi na ako ah. Maaga pa bukas. Bye! " Tumalikod na ako sa kanya at nagsimula na akong maglakad.

Palabas na sana ako ng gate ng nadulas ako. Umulan kasi kanina kaya madulas ang floor. Nahirapan akong makatayo.

Biglang may naramdaman akong kamay sa waist at binti ko.

Tumingala ako....

" GUS! "

Gulat na gulat ako. Hindi ako mapakali. Palingun-lingon ako at parang akong kiti-kiti sa mga kamay ni Gus. Feeling ko tuloy bride ako. Parang bagong kasal kami kung buhatin niya ako.

" Gus... um... Ano... andito ka na pala. Am... ibaba mo na ako.... uh... kaya ko na .... salamat. "

Biglang umulan. Bad trip!!

Nagkatinginan lang kami ni Gus. Ngayon ko lang napansin na hindi pa siya nagsasalita simula nung binuhat niya ako hanggang ngayon.

Basang-basa na kaming dalawa.

" Gus!! Ibaba mo na ako. Ple.... !!! "

Nagulat na lang ako ng biglang hinalikan niya ako agad. Sa LIPS!!! First kiss ko ito. Si Gus pa talaga. Never kasi kaming nag-kiss ni James nung naging kami.

Tinulak ko siya palayo. Pero buhat niya pa rin ako at nasa ulan pa rin kami.

" Mahal pa rin kita, Frezz. " Umiiyak niyang sabi.

Umiyak rin ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos niya akong halikan at sabihin niya yan sa akin.

Buhat niya pa rin ako nang tumakbo siya papunta sa isang building na pwede naming masilungan. Umupo kami sa sahig.

" Gus, gusto kitang bigyan ng pagkakataon pero hindi ko alam paano sabihin sayo. " Umiiyak pa rin ako at umiiyak rin siya.

" Talaga? " Ang lamig ng boses niya.

" Oo, Gus. Kasi baka matutunan ko ring mahalin ka balang araw. ".

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako ulit. Gulat na gulat na naman ako.

" Sorry, nadala lang ako. "

Nakatingin lang ako sa kaniya at giniginaw.

Biglang may kinuha siya sa bag niya.

"Gamitin mo muna to. " sabi niya habang sinusuot niya sa akin ang isang jacket.

" Bakit dalawa? Yan suot mo tapos ito naman nasa bag mo. " sabi ko.

" Nadadala ko lang ito hindi ko rin alam bakit eh. "
 

Inakbayan niya ako at sinandal niya ako sa dibdib niya. Dito na ata kami makakatulog. Ang lakas pa rin ng ulan.

" Frezz, bibigyan mo ako ng chance diba? "

" Oo. " bitin kong sagot.

" Pwede bang mangligaw? " Agad niyang sabi.

.....

"Oo, pwede. " Nakatulog na ako agad.

........

........

- Kinikilig po ako habang nag tatayp nito. Hahaha! Enjoy po! :) Musta po update ko? Nabigla ko po ba kayo? Read pa more po. Sorry po sa night update. Bago po yun ah. Hahaha :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon