The Truth

23 4 0
                                    


Gus' pov

Napaisip ako sa isang gilid sa classroom namin habang wala pa ang teacher namin. Siguro sabihin ko na agad kay Frezz ang nararamdaman ko sa kaniya. Para alam na niya. At hindi na siya makuha ng iba. Oo. Tama. Sasabihin ko na mamayang lunch break.

Lagi lang akong nakatingin sa orasan. Parang hindi matatapos and discussion. Ang tagal.

" RIIIIIIIIIIIIIIIIIING! "

Break time na pala. Tumayo na ako at pumunta sa room ni Frezz. Nakita ko siyang inaayos ang gamit niya. Ang ganda niya talaga. Bigla siyang tumingin sa akin. Kinawayan ko siya at kinawayan niya rin ako. Lumapit siya sa akin.

" Pumasok ka na pala. Bakit ka absent kahapon? "

" Medyo sumama lang ang pakiramdam. Yun lang. Na- miss mo ba ako? "

Tinirikan niya ako ng mata.

" Halika na nga! "

Hinila niya ako papunta sa hall. Dun kami kumain. Habang kumakain, sa kanya lang ako nakatingin. Mahal ko talaga siya.

Tumayo na ako at huminga ng malalim.

" Frezz... "

Tumingala siya sa akin. Para siyang anghel. Nginitian niya ako. Isang ngiting nagpabilis ng tibok ng puso ko.

" Bakit? " Malumanay niyang tanong

" ... Alam kong baka magulat ka. Nagulat nga rin ako... Nung una palang kita makita dun sa restaurant may naramdaman na ako sayo. Natamaan .... Natamaan ako sayo. "

Hinila ko siya papalapit sa akin at hinawakan ko ang kaniyang pisngi.

" Mahal na ata kita, Frezz. "

Tumingin lang siya sa akin. Isang malamig na tingin. Bigla niya akong tinulak.

" Ano ba Gus? Magkaibigan lang tayo. Hindi pa nga ako nakakamove-on kay James tapos ikaw naman. "

" Bibigyan naman kita ng panahon eh. Kaya kong maghintay. "

" Hindi Gus! Kaibigan mo lang ako. Kaibigan lang kita. Nakakalimutan ko agad si James pag andyan ka. Nalilimutan ko siya at pinapasaya mo ako kapag andyan ka, yun ka sa akin. "

Tiningnan ko siya.

" Ganun lang ba ako sayo Frezz? Panakip butas mo lang ako? Ganun lang ba ako sa buhay mo? "

Basa na ang mata ko. Pero hindi ko pinatulo luha ko. Tiningnan ko siya ng mata sa mata.

" Hindi naman sa ganun Gus. "

" Anung hindi sa ganun? Sa ganun yun! Pinaasa mo ako. Hindi ako scotch tape na kapag may butas sa puso mo tatakpan ko na lang. Hindi ganun Frezz. Rebound mo lang.... Rebound mo lang ako. "

" Gus.. I'm sorry. "

" Your sorry doesn't change anything.... Frezz, may kilala ka bang babaeng referee? "

" Wala... Bakit? "

" Siya na lang mamahalin ko. Kasi alam niya na kapag may nasaktan may penalty. "

Umalis ako papalayo. Parang buong mundo ko nawasak. Umiyak na ako ng umiyak. First time akong nagmahal first time din akong nasaktan. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit.

Ang sakit. Sobrang sakit.

" Bakit Frezz? Bakit? "

........

........

- Kawawa naman si Gus. Pero sige lang. Update pa po. Hehehe. Nalulungkot rin po ako habang tinatayp ko po ito. Nasaktan talaga si Gus kahit bago lang silang magkakilala ni Frezz. Ganern po ba talaga kapag natamaan. TBH hindi rin po ako love expert eh. Hehehe.

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon