Dedicated to Mawrine18 and joanabanan dahil sa support. Mwah! Back to the story.
Kylie's pov
Lunch break na. Wala man lang akong naintindihan sa discussion ng teacher namin. Pumunta na ako sa hall dahil doon naman talaga ako kumakain, kasabay ko syempre ang pinakamamahal kong si Marlon. Dahil sa kanya, nababawasan ang takot na nararamdaman ko. Salamat nalang at may tulad niya. Merong siya, sa buhay ko and I will be very greatful for that.
" Kylie!! " lumingon ako.
Nagulat ako sa nakita ko.
Si Gus!
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sa isang kurap ko, nasa harapan ko na siya. Ang lamig ng tingin niya. Kasalanan ko ito eh. Paano ko kaya mapapaliwanag sa kanya pa.....
" Alam mo ba ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Frezz? " agad niyang tanong na nakapagpigil sa mga iniisip ko.
" Um.... uh... Ano kasi Gus... "
" Uy! Kylie! "
Si Marlon! What a relief. Good timing talaga siya.
" Anong ginagawa mo sa GIRLFRIEND ko? " Tanong niya kay Gus.
Umalis lang si Gus na nag-iwan ng masamang tingin sa amin.
" Mag-kaaway kayo? " Tanong ko kay Marlon.
" Nung binasted mo ako. " Natatawa siya.
Inirapan ko siya. " Ano ba kasi ang ginawa mo? " Tanong ko ulit.
" Hays! Ang dami mong tanong. Kain na nga tayo! " sabi nya sabay akbay sa akin at umupo na sa bleachers.
" Huwag na muna nating sabihin sa kanya kung anong nalalaman natin. Baka lalo lang siyang magalit at makarating kay James. " sabi niya habang kumakain kami.
Nag-nodd na lang ako at kumain na ulit.
" Masayang-masaya ako, kahit medyo delikado ang buhay natin ngayon, basta kasama kita ok na ako. Mawawala na ang takot ko kapag andiyan ka. " ngumiti siya.
" Nakakainis ka! Pinapakilig mo naman ako! " siniko ko siya.
Matagal kaming nag-usap ni Marlon ng biglang dumaan si James at nakita kami ni Marlon. Ang sama ng tingin niya at naglakad na palayo.
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
" Kylie, may problema ba? " Napansin ako ni Marlon.
" Na..... Nakita tayo..... Ni James...... " umiiyak na ako. " Marlon, natatakot ako. " dagdag ko.
Wala nang nasabi si Marlon dahil nagulat siya. Ako lang kasi ang nakapansin kay James. Niyakap niya na lang ako nang mahigpit.
" Kaya..... Kaya natin ito, Kylie. " umiiyak na din siya.
Matagal kami sa posisyon na iyon. Bumitaw na siya at tumingin lang sa akin. Isang tingin na nagpalakas ng loob ko.
" Tama ka Marlon, kaya natin 'to. " sabi ko habang nakangiti.
Hinawakan ko ang kamay niya para maging magaan ang loob niya.
Kaya namin ito. Delikado man, hindi ka magtatagumpay James. Itaga mo sa bato.
........
........
- Kamusta po? Bitin po ba? Sinadya ko kasi mukhang napapabilis ko agad ang pangyayari. Hehehe. Enjoy reading. HAPPY NEW YEAR dear readers! :)
- Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Novela JuvenilMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...