Starting All Over Again?

8 7 2
                                    

Marlon's pov

Ang labo ng paningin ko.

Ok.... lumilinaw na.

Sinalubong ako ng puting kisame.

" Marlon!! Gising ka na. " sabi ng isang pamilyar na boses.

Tumingin ako sa direksyon ng boses.

...

At nakita ko siya.

...

Ang taong mahal ko.

" Marlon, gising ka na. " Umiiyak na siya.

" Guys!!! Gising na si Marlon. " Sigaw niya.

" Alam na ba ito nina Mama? " Tinanong ko.

" Oo, pero hindi na namin pinapunta dito sila tita, may trabaho kasi sila, grabe nga ang pag-aalala nila sayo.  Tapos nangako akong aalagaan kita kaya nakampante sila. " Ngumiti siya sa akin.

Lumapit ang mga taong tinuring ko nang pamilya.

Si Frezz, Si Gus, Si Carla, Isang lalaki??? At si Kylie.

My one and only Kylie.

" Hindi mo ako iniwan. " Sabi ni Kylie.

Hinawakan ko ang mga pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya.

" Syempre. Hinding-hindi kita iiwan. " Sabi ko at yumakap siya sa akin.

" Pare. "

Kumalas kami sa yakap ni Kylie at nakita si Gus na nakangiti.

" Pare! " Sigaw ko.

Nag-apir kami at ngumiti sa isa't isa.

" Mabuti naman Marlon at ok ka na. " Sabi ni Frezz.

" At least nasa kulungan na yung James na yun. " Sabi ni Carla.

Ang saya lang.....

Sana...

Sana ganito na lang lagi.

" I love you. " Sabi ko at sabay lumingon kay Kylie.

" I love you too. " Sagot niya nang nakangiti.

Nilapit ko ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ko siya.

I hope everything will be alright.

James' pov

Nakakaasar! Now I am behind this stupid bars.

" James! " Oh God, andito na siya.

" You are such a shame! Wala ka nang dinala sa pamilya natin kundi kahihiyan! " Sabi ng bwisit kong ama.

I chose to ignore him. Tumalikod ako sa kanya.

" Don't turn your back at me! " Sigaw niya.

F*** nakakairita.

Iniisip ko, ang gagawin ko para makatakas. Para makalabas dito. Ayoko mag-tagal dito.

I am not finished with my plan.






















YOU WILL BE MINE AGAIN, FREZZ.






AND ONLY MINE!

........

........

- Hala!!! Naku James. Hayss. Kamusta update ko? Ok po ba? Suportahan niyo po sana ang pangalawa ko pong book ang ' Married to a Stranger ' don't forget po to VOTE and COMMENT. Thank you po!!!

-Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon