One More Try

23 5 0
                                    

This chapter is inspired by heyitsmerappy dahil sa pag support niya sa akin. Yun lang. Ok let's start!

Marlon's pov

1 month, matapos akong mabasted ni Kylie. Isang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin nababawasan ang sakit.

Break time, recess ngayon at nasa plaza lang ako ng school. Nakaupo lang ako sa Bermuda grass.

Nang makaramdam ako ng tao sa likod ko.

Si...

Si Kylie.

Mukhang namaga ang mata niya. Parang umiyak siya. Bigla siyang umupo sa gilid ko at umiyak.

" Tulungan..... Tulungan mo ako Marlon. Ayoko pang mamatay, ayoko namang masaktan si ate..... Marlon nata....natatakot ako. "

Nanginginig siya. At parang may kinakatakutan siya. Napayakap siya sa akin.

" I am.... sorry. " sabi niya.

Humahagulgol siya at ang higpit ng yakap niya sa akin.

" Tinakot lang ako..... kaya nasaktan kita....."

" Marlon....."

" Dati pa.... "

Putol-putol siyang nagsasalita.

" Mahal na mahal na mahal kita! Marlon, maniwala ka. Hindi..... hindi totoong mahal ko si Gus, tinakot niya ako..... Tinakot ako ni James...... para mapasakanya si ate.... " sabi niya.

Bumitaw siya sa yakap niya at nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit  ginawa ko ito kundi hawakan ang baywang niya at ilapit siya sa akin at halikan siya. Hindi siya tumanggi kundi napapikit na lamang habang hawak ko siya. Napansin ko na lang at umiiyak na rin ako.

" I guess, hindi ko na kailangang manligaw pagkatapos nun. " biro ko matapos ang halik.

Natawa siya ng konti pero bumalik ang lungkot sa mga mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya.

" Totoo ba ang lahat? " Seryoso kong tanong.

Nag-nodd lang siya at umiyak at muling napayakap sa akin.

Hindi ako makapaniwala. Walang hiya 'yang James na iyan. Desperadong makuha ulit si Frezz. Dinamay niya pa ang inosenteng Kylie ko. Sisiguraduhin kong hindi siya magtatagumpay.

Bumitaw na si Kylie sa yakap namin dahil na nag-ring na ang bell. Hinatid ko siya sa room niya para siguraduhing ligtas siya. Kahit malayo dahil 3rd year college pa siya at 4th year na ako, hinatid ko siya hanggang doon sa mismong tapat ng room niya. Kailangan ko siyang protektahan. Kailangan kong protektahan ang mahal ko. Hindi ako papayag na mawala siya ulit sa akin.

" Mag-iingat ka, Kylie. " sabi ko sa kanya bago magpaalam.

" Oo, salamat Marlon. " sabi niya.

Hinalikan niya ako ulit sa pisngi at pumasok na sa room.

....

Kailangan naming mag-ingat ni Kylie. Kailangan naming tulungan si Frezz at si Gus.

....

Teka, break na ba sila?

........

........

- Sorry na naman po sa late update. I hope po maintindihan niyo ako. Thank you po. I love you mga dear readers. To be honest nalungkot at kinilig po ako habang tinatayp ito. Hehehe. :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon