Wondering Why

25 5 3
                                    


Gus' pov

Sama ng pakiramdam ko. Hindi ko nakayanan kaya hindi ako pumasok. Pero kung kaya ko naman bakit hindi. Nakahiga pa ako sa sala nang biglang dumating si Marlon. Pinapasok ko na lang siya dahil hindi ko kayang salubungin siya sa pinto.

" Pare, kamusta? Bakit ka napapunta dito? May problema ba sa school? "

Marlon's pov

Tumingin ako kay Gus. Mahinang-mahina siya. Kawawa naman ang kaibigan ko. Hinawakan ko noo at leeg niya ang taas ng lagnat. Daig pa ang pinakulong tubig. Nilalalmig siya. Mainit na mainit sa labas pero balot na balot siya dahil giniginaw. Napaisip ako. Hindi siguro ito ang tamang panahon upang ikuwento ang nangyari kanina.

" Um... Wala na man... Ano... Nangangamusta lang... Ah... Nag- alala lang ako kung bakit ka nag- absent. "

Tumingin siya sa akin. Pinagpapawisan ako. Baka mahalata niyang may tinatago ako sa kanya.

" Pare. Kilala mo ba si Frezz? "  Tanong ko sa kanya.

" Ah. Oo kahapon lang. Alam mo ba pare, natamaan ako. Love at first sight ako. Ikaw kilala mo? "

" Ah... Oo. Kilala ko si Frezz. Kababata ko kasi yun. "

" Ah. O sige. Salamat sa bisita. Baka naaabala lang kita. "

" Ah. Hindi naman. Pero sige mauna na ako. Para makapagpahinga ka. "

Lumabas ako ng bahay. Naaawa ako kay Gus. Baka masaktan lang siya. Seryoso kasi ang pagmamahal at hindi laro-laro lang. Mabuti nga at natapos agad ang klase ko bago ko siya binisita. Pero kailan ko kaya maitatago sa kanya... na rebound lang siya ni Frezz?

Gus' pov

Nakapagtataka naman si Marlon. Parang kinakabahan siya nung andito siya kanina. May problema ba kaya?

... May problema ba kay Frezz?

Kung ano man yun, sisikapin kong gumaling agad. Gusto ko na makita ulit si Fezz. Na mimiss ko na siya. Mahal ko siya.

At dapat lagi akong nasa tabi niya. Hindi ko siya sasaktan.

........

........

Musta po mga updates ko? Ok lang po ba? Comment naman po kayo. Hehehe. Minsa lang po mag-request. :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon