Bitter or Better?

7 3 0
                                    

Frezz's pov

Hindi..... hindi pwede.

" Iho, uhmmmm.... ah yes. Umupo ka sa likod ni Mr. Albuera " ( sa harap ko!! )

Pumunta siya sa pwesto na itinuro sa kanya ni Maam. Nang nakarating siya sa upuan niya ay nagsalubong agad ang mga mata namin kaya inilayo ko ang tingin ko sa kanya.

" Since some of you ay nakakakilala na sa kanya dahil classmate niyo siya sa ilang subjects niyo, ako na lang magpapakilala sa kanya. Siya si Mark Agustin Reyes, ang course niya ay Management, uhmmm I think same with.... Ms. Rosario? Am I right? " sabi ng teacher namin sabay tingin sa akin.

" Ah... opo. Opo maam. " Bitin kong sagot.

" Well I hope both of you will get to know each other better since magkalapit lang kayo ng upuan. Ok class let's start! " sabi ni Maam.

Hindi ako makapaniwala, classmate na nga kami sa course namin, pati ba naman sa first subject namin? OMG! This is going to make my life even worse. Masakit na nga nang hindi ko siya nakikita, paano pa kaya kapag malapit lang ang upuan namin sa isa't isa.

Hindi ko matiis kaya hindi ako mapakali sa upuan ko. Natapos na lang ang first subject, wala man lang akong natutunan. Eh paano ba naman, kung nasa harapan ko yung ex ko.

" Frezz... "

" Hay ex kong si Gus! " sigaw ko habang papunta na sa second subject ko.

Lumingon ako at hindi mapinta ang mukha niya sa gulat, same with me of course. OMG! Si.....

" Gus?.... uh.... ano.... Anong kailangan mo? " Nakakahiya 'to.

Napalitan ang malamig niyang tingin ng maliit na tawa.

" Hahaha. Iniisip mo pa rin ako ah? " feeling ito.

" Hindi ah! Ano nga ba kasing kailangan mo? " Mataray kong sagot.

" Mali ang daan mo. Parehas tayo ng second subject, management tayo hindi ba? Kaya inisip kong mag-sabay na tayo. "  Sabi niya habang natatawa pa rin siya.

Oo nga. Parehas nga din kami ng second subject. Kami lang kasi ang dalawang management doon sa first subject namin. Namumula na ako ng todo sa kahihiyan.

" Huwag na, kaya kong pumunta dun mag-isa. " sabi ko.

" Ah ok. Huwag kang magkakamali ng daan ah. " Sabi niya sa akin na may pang-aasar.

Umalis na siya at naiwan ako.

Maybe it wasn't bad to be with him in my first subject. Hindi niya naman ako inaano.

Maybe it wasn't bad to have him.

Not at all. :)

Nakarating na ako sa room at umupo na.

........

........

- Kamusta po ang mga updates ko? Comment at vote po is really appreciated. Thank you. Happy New Year ulit. Hehehe. :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon