Carla's pov
Recess na at kasama ko si Frezz ngayon. Na-explain niya na sa akin ang lahat. Nakakalungkot nga eh. Ang bait talaga ng kaibigan ko. Hindi ko naman masisisi si Kylie dahil love ang nararamdaman niya.
Naglalakad lang kami ni Frezz ng makabangga ako ng isang lalaki. Nagkatinginan kami.
OMG! Ang gwapo! Hindi ko pa siya nakita dati. Mukhang bago siya.
" S-Sorry! " Sabi ko ng namumula.
Nakatingin lang siya sa akin at pagkatapos ay umalis na.
" Hmp! Suplado. " Sabi ko
" Uy! Gwapo naman ah! Ayieee! " Tukso ni Frezz.
Sa bagay. Hindi naman maitatanggi, gwapo naman talaga. Pointed nose, maputi, seductive eyes, tapos yung chin niya pointed din.
" Nahiya lang siguro yun, maganda ka kasi. " biro ni Frezz.
" Hahaha. May sakit ka ba bes? Lakas mo mag-compliment ah. " Sagot ko habang nilagay ang kamay ko sa leeg niya. ( Kunwari ay chine-check )
" Hahaha. Sige, later lunch na lang ah. Punta na ako sa klase ko. " pagpapaalam niya.
" Ok. Bye! " Kumaway ako.
Kumaway lang siya at tumakbo na paalis.
Pumunta na rin ako sa next class ko.
Umupo na ako sa upuan ko at naghintay na sa teacher namin. Ayaw ko sa upuan ko sa subject na ito dahil nasa gilid at vacant ang upuan sa tabi ko. Nobody dared to seat beside me dahil nasa harapan ako. So, I'm alone in this line.
Dumating na ang teacher namin at mukhang excited.
" Good morning class. I have an announcement. " panimula niya. " Today, you have a new classmate. He is the son of the owner of the most famous Business Company in the Philippines. They moved here that's why he is now studying in our school. You may now come in Mr. Valencio. " Wow, straight English na sinabi ng teacher namin.
Wait, his familiar ...
...
Hala! Siya yung...
Yung lalaking nabangga ko kanina. Hala! Ang yaman pala nito. Mukhang naaalala niya ako dahil nagkasalubong ang mga mata namin at ngumiti siya. Oh no!
" Please, introduce yourself. " sabi ng teacher namin sa kanya.
" I am Red Alexander Valencio, 19 years young, and a varsity memeber of basketball. " Introduction niya.
Marami akong naririnig na bulungan.
" Ang yaman! "
" Ang pogi ni kuya! "
" Crush ko na siya!!! "
" Cute niya! "
" Please notice me, senpai! "" Mr. Valencio, please seat..... Beside Ms. Rodriguez. " Masiglang sabi ni teacher.
OMG! Katabi ko siya. Hala, nagiging kamatis na hinog na ako, namumula na ako!
" Hi. "
Nagulat ako ng kausapin niya ako.
" Sorry din yung nabangga kita kanina, ah. " Ngumiti siya at sabay kindat.
" Ah... Uh... So....Sorry din... " Kinikilig na ako, nauutal pa.
Humarap na siya sa teacher namin at nakinig na sa discussion.
Pero hindi ko inexpect na......
...
...
NA NAALALA NIYA AKO!!!!
........
........
- Kamusta po? Bet niyo po ba sila? Vote and comment po kayo. Thank you po. Bawi din sa inyo. :-)
- Nicole012005
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Teen FictionMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...