Lies

15 6 0
                                    

Kylie's pov

Matapos umalis ni ate bigla akong lumuha.

Hindi naman talagang totoo na mahal ko si Gus.

Tinakot lang ako.

Flashback

Naglalakad lang ako sa school kasi ayaw ko pang umuwi. Nang bigla akong hinila ng isang lalaki.

" AHHHHHHHHHHHH! " Sigaw ko.

Tinakpan niya ang bibig ko at sinenyasan na huwag mag-ingay.

" Anong kailangan mo? " tanong ko sa kanya.

" Kailangan kong makuha ulit si Frezz. Tulungan mo ako. " sabi niya.

" Eh paano kung ayoko, James!? " Sigaw ko.

Oo. Si James.

Bigla niya akong sinakal at naglabas ng kutsilyo.

" PAPATAYIN KITA! Hindi lang ikaw kundi ang pinakamamahal mong ate. " Pananakot niya.

Pinagpawisan ako at kinabahan. Bigla na akong umiyak. Ayokong mawala si Ate.

" Si.....Sige. Payag... Na ako. " mahina kong sabi.

Ngumiti siya sa akin at sinabi.

" Magkunwari kang mahal mo si Gus. Siguradong papakawalan niya si Gus para sa pinakamamahal niyang bunso. At sa oras ng pagluluksa niya, andoon ako at magiging akin siya ulit. "

Binitawan niya na ako at tumakbo na paalis.

Naiwan ako at umiyak na lang ng umiyak.

End of flashback

" I'm sorry ate. Pero kailangan ko itong gawin. Not just for me but also for your sake. Kahit alam kong masasaktan ka, at least kasama pa rin kita. Ayaw kitang mawala ate. " Bulong ko sa sarili ko.

Umiyak na lamang ako hanggang sa makatulog ako.

....

....

.... Ate.

........

........

- Sorry po ulit sa late update. Kahit tapos na ang pasko, Merry Christmas mga readers. Enjoy po. :) Marami po kasi kaming pinuntahan kaya walang time para mag- update. Thank you for understanding.

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon