Process ( Part 1 )

22 5 1
                                    

James' pov

Nakita ko si Frezz naglalakad sa hallway. Sinalubong ko siya.

" Sup, Babe? "

Nakatigin siya sa akin. Matagal rin kaming nagkatinginan bago siya naglakad ulit.

" Frezz, ano ba? Kausapin mo naman ako. "

" Pagkatapos mo akong saktan? Kahapon nga may nakita nga akong bago mong kasamang babae. Dagdag ba siya sa collection mo, James? " Maluha luha niyang sinabi.

Kumulo dugo ko.

" Tandaan mo Frezz, na hindi ako magiging ganito kundi dahil sayo. "

Tuluyan na siyang umiyak.

" Ako? Ikaw ang nanakit tapos sisisihin mo ako? Ikaw ang nagbago! Ikaw ang nang-iwan! Ikaw ang nangloko! " Umalis na siya ng tuluyan.

Mahal mo pa ako, Frezz. Mahal mo pa nga ako. ( Smirk )

Frezz's pov

Tumakbo ako ng papalayo. Ang sakit pa rin. Sobrang sakit. Hindi ko pa siya kayang kausapin.

Tumatakbo ako hanggang sa makabangga ako ng isang lalaki.

Nahawakan niya ang waist ko para hindi ako mahulog. Tumingala ako.....

" Gus? "

Binitawan niya ako.

" Mag-iingat ka kasi. " Malamig niyang sinabi.

" Sor.... " Bago pa ako matapos lumakad na siya palayo.

" I am sorry, Gus. " Bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang mga luha ko.

Bigla akong nakaramdam ng babaeng yumayakap sa likod ko. Lumingon ako.

" Carla, ikaw pala. " Gulat kong nasabi.

" Bakit ka malungkot? Bakit ka umiiyak? Frezz, kaibigan kita. Ayaw kitang malungkot. " Sabi nya nang mahina pero sapat nang marinig ko.

Umiyak ako at niyakap ko rin siya ng mahigpit.

" Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko..... Mahal ko pa si James. Pero gusto kong mabigyan ng pagkakataon si Gus. " umiiyak ako lalo.

" Pero hindi pwedeng dalawa ang mamahalin mo. " Paalala niya.

Napatingin na lang ako sa kaniya.

" Frezz, make a choice. A choice you won't regret. "

Umalis na siya at naiwan na akong mag-isa. Tama si Carla, kailangan ko na mag-desisiyon. Pinunasan ko na ang mga luha ko at pumunta na sa classroom.

Carla's pov

Naaawa ako kay Frezz. Pero kailagan niyang mamili. Kung pwede ko lang sana siya tulungan. Siya ang dapat mag-decide. Naglalakad ako ng.......

" RIIIIIIIIIIIIIIIIIING! "

Anung nangyayari? Nakita ko ang mga estudyante na nagtatakbuhan sa labas. Nakita ko ulit si Frezz. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

" Anung nangyayari, Frezz? Tanong ko sa kanya.

" Fire drill daw eh. Kakarating ko lang sa room nang biglang nag-ring ang bell. "

" Ganern ba... "

Napalingon ako sa kanan. Andoon si Gus. Hinila ko si Frezz palapit. Doon kami mag-se-stay hanggang matapos ang drill. Magugulat na lang siya. :)

........

........

- Sorry po ulit sa late update. Enjoy reading po. Thank you. :)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon