Kylie's pov
Naaawa ako kay ate. Nag bago siya since nangyari yung insidente kay Gus. Pero kahit anong mangyari kailangan niyang magpatuloy. Sabi nga nila, life goes on.
Tapos na ang klase ko at pauwi na ako. Hindi daw makakasabay sa akin si ate dahil inimbita siya ng classmate niya dahil birthday nito at nahihiya daw siya tumanggi. Si Marlon naman May meeting sa org niya.
Nandito na ako sa bahay agad akong umakyat sa kwarto ko at nag-cp since walang pasok bukas at hindi nagbigay ng assignment sa amin.
Habang nag-ce-cellphone ako, biglang nag-ring ito.
Unregistered number. Oyy! Mukhang international pa ata 'to. Yaman ah.
Sinagot ko na lang yung tawag.
" Hello? Sino po ito? " Tanong ko.
" Ky... Kylie. Si..... si Frezz... " Sabi ng nasa kabilang linya.
Shit! Goosebumps! Familiar ang boses. Isang boses na matagal ko nang hindi naririnig.
" Gu.... Gus?! "
" Yes. Yes Kylie. Ako ito....... It's me, Gus. " mahinang sabi ni Gus.
" Bakit.... Bakit hindi ka man lang nagparamdam? Thank.... Thank God you're alive! Bakit ka sa akin tumawag? " Sunod-sunod kong tanong.
" I'll explain everything. Hindi ma-contact ang ate mo. " sabi niya.
" Ah.... Nagbago siya ng number eh. "
" Asan siya? " Tanong niya.
Sasagot pa lang sana ako ng makarinig ako ng ingay sa baba.
" Wait, don't hang up. " Sagot ko.
Frezz's pov
Kakarating ko lang sa bahay galing sa birthday ng classmate ko. Nagmano ako kina mama nang bumaba si Kylie.
" Ate sumama ka sa akin sa kwarto ko. " Ang seryoso niya ngayon ah, nagulat ako. Usually kapag binati niya ako, masigla siya. Pero parang ngayon iba.
" Uhhh... Sige. " Ang tangi kong nasabi sa kanya.
Umakyat kami sa taas at pumasok sa kwarto niya kinuha niya ang phone niya at inilagay niya sa tenga niya.
" Eto na siya. " Sabi ni Kylie sa kausap niya at nginitian ako ng konti at iniabot sa akin ang phone.
Naguguluhan ako. Ano bang meron?
Tinanggap ko ang phone niya at inilagay ko sa tenga ko.
" He-hello? Si-sino 'to? " tanong ko.
" Frezz. "
Agad tumulo ang mga luha ko. Goosebumps. Ang tagal ko ng hindi narinig ang boses niya. Siya ba talaga 'to?
" Gu-Gus?! " Humihikbi kong tanong sa taong nasa kabilang linya.
" Oo, ako ito Frezz. I..... Pwede ba kitang makita? " Naririnig ko sa boses niya na parang naluluha na siya.
" A-asan ka ba? " Sunod-sunod na tumutulo ang mga luha ko habang si Kylie ay naluluha na rin at tinatapik ako sa balikat.
" Nasa labas ng bahay niyo. "
Tumayo ako agad. Pinatay ko na ang call at tumakbo palabas.
" Frezz! "
" Gus! "
Niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Umiiyak kaming dalawa. Na-miss ko siya, sobra.
" Ba-Bakit ngayon ka lang?! Pinag-alala mo ako. Hindi ka man lang nagparamdam! Ba-Bakit?! " Humahagulgol na ako.
" I- I'm so sorry, Frezz. I'm so sorry. I missed you so much, so much. Mahal na mahal kita. "
" Mahal na mahal din kita, Gus. "
Magkayakap pa rin kami.
He was worth the wait.
He is worth it.
........
........
- Yehey! Welcome back Gus! How's my update? Sorry dahil late. VOTE and COMMENT! Thank you, enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The One He Loved ( ON GOING )
Teen FictionMark Agustin P. Reyes a.k.a Gus suddenly meets Joanna Frezzie J. Rosario a.k.a Frezz. Kakagaling lang ni Frezz sa isang matinding break up with her 5 year-boyfriend James Alvarado. Minahal siya ni Gus.Ngunit ang binigay niya kay Gus ay sakit lamang...