Don't

10 4 0
                                    

Kylie's pov

" Marlon!!! " Sigaw ko at kumalas sa paghawak sa akin ni James. Nilapitan ko si Marlon at nilagay ko ang ulo niya sa hita ko. " Marlon!! Gumising ka!!! " Humahagulgol na ako.

Lumingon ako kay James at parang tulala lang siya at mukhang nagulat rin siya sa ginawa niya. Lumapit ako sa kanya at sinampal siya.

" Hayop ka! Walang hiya ka!!! Anong ginawa mo?!! " Hinampas-hampas ko siya at hindi naman siya lumaban.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at paghampas sa kanya ng may humawak sa akin at inilayo ako kay James.

Si Gus!

Bumalik siya! ....

Kasama si Ate!!

May naririnig akong ambulansya at sasakyan ng pulis.

Sumama ako kay Gus at ate kay Marlon sa ambulansya.

Nakita ko naman si James na hinuli ng pulis. Tulala pa rin siya.

Umandar na ang ambulansya at mabilis na pumunta sa ospital.

" Kylie, ok ka lang ba? " tanong sa akin ni ate na mukhang nag-aalala.

Tumingin lang ako sa kanya at tiningnan si Marlon na nakahiga at wala pa ring malay.

Lumapit ako kay Marlon at niyakap ko siya.

" Marlon, please huwag mo akong iwan! Marlon... please! " Umiiyak na naman ako.

Naramdaman kong si ate na yumakap sa akin mula sa likod.

" Tahan na, Kylie. " Sabi sa akin ni ate.

Binitawan ko na si Marlon at ipinagpatuloy ang pag-iyak habang ka-yakap si ate.

Marlon... please.... don't leave me.

Si Gus naman ay nakadungo at umiiyak.

Best friend sila ni Marlon at sa pagkakaalam ko ay hindi pa sila nagkakabati since nag-away sila.

Tiningnan ko ulit si Marlon at kumalas sa yakap ni ate.

" Marlon, please don't leave me. " Ang tanging lumabas sa mga labi ko.

........

........

- Maikli po ba? Don't worry, hahabaan ko po ang mga susunod kong updates. PLEASE VOTE AND COMMENT!!! Thank u po. Enjoy reading. :-)

- Nicole012005

The One He Loved ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon