TEDDY BEAR #2
"Shira"
Eirene
Nasa harap na ako ng gate ng bahay namin no'ng mapatigil ako at mapatingin sa bahay nila Troy. Magkatabi lang naman ang bahay namin.
Gusto ko man siyang puntahan ngayon para tanungin at kamustahin ay parang may pumipigil sa akin. Siguro kasi hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi niya noong huling beses kaming magkausap.
Pagkapasok ko palang ng bahay ay agad kong nakita si mama na nakaupo sa sofa at hinihimas-himas ang malaki niyang tiyan. Napangiti naman ako sa nakita ko. 8 months na si mama at next month na ang labor niya kaya dapat kelangan maging ready kasi anytime pwedeng mapaaga ang paglabas ni baby.
Nagmano naman ako kay mama at tumabi sa kanya, "Hello baby boy! Namiss mo ba si ate?"
Naidikit ko pa ang tenga ko sa tiyan ni mama habang hinihimas ito.
"Ate, amoy pawis ka magpalit ka nga muna." sabay pingot ni mama sa tenga ko palayo sa tiyan nya kaya napaupo ako ng maayos.
"Aray ko naman, ma!" singhal ko. Napahawak pa ako do'n sa tenga ko no'ng bitawan ni mama. Paniguradong namumula na naman 'to. Si mama talaga.. "Di naman na kayo naglilihi pero ang sungit nyo pa rin sa akin."
"Sino bang nagsabi na naglilihi pa ako?! Sadyang amoy pawis ka e."
"Ingay nyo talaga, ma. Kakarating ko lang sinisigawan nyo na naman ako 'di na kayo nakuntento sa pagpingot ng---aray!"
Kurutin daw ba ako sa tagiliran?
"Aba't sumasagot-sagot ka pang bata ka..." tumayo na ako para makalayo na ako kay mama mamaya kung ano na naman gawin sa akin e.
"Eirene, wala ba kayong problema ng bestfriend mong si Troy?"
Natigilan naman ako sa pag-akyat at napatingin kay mama.
"Nagpunta kasi dito 'yong tita niya kanina at nakwento na ilang araw na raw hindi lumabas ng kwarto si Troy at ayaw rin pumasok sa klase.. Ano bang nangyari ha? May hindi ba kayo napagkasunduan?"
"Ano ba kasing inaarte-arte niya?" dapat nga ako 'yong nag-iinarte ngayon kasi ako 'yong nasaktan sa mga sinabi niya.
"So may hindi nga kayo pagkakaunawaan?" tanong ulit ni mama kaya napatahimik ako. "Eirene, ayusin nyo 'yang problema nyong magkakaibigan. Kung kelan graduating at magkakahiwalay na kayo tsaka pa kayo nagkakaganyan."
" 'Yon na nga po mama e.."
"Ano 'yon?"
"S-sabi ko po, kakausapin ko po siya.. pero hindi pa ngayon."
Pagkasabi ko no'n ay umakyat na ako sa taas at nagkulong sa kwarto ko. Agad akong napasalampak sa kama ko at napatitig sa kisame.
"Kaya pwede ba? 'Wag nyo na akong pakielaman sa gusto kong gawin sa buhay ko lalong-lalo ka na,Eirene...Ayokong pinapangunahan mo ako. 'Wag kang umasta na parang nanay ko at parang alam mo ang lahat sa akin."
Siguro nga masyado na akong nakikielam. Lumagpas na ako sa boundary kung saan do'n lamang ako tatayo kaya napuno ka na sa akin.
"Bestfriend mo siya pero bakit hindi mo siya kayang baguhin? Bakit?"
'Yon na nga e. Bestfriend niya ako...Bestfriend lang ako ni Troy.
* * *
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...