Teddy Bear #6: Proof

92 38 31
                                    

         TEDDY BEAR #6

"Proof"

Eirene

       Nakaupo ako sa kama niya samantalang siya ay palakad-lakad sa harap ko. Ginulo naman nya 'yong buhok niya at bulong nang bulong sa sarili na para bang may kinakausap siya. Tapos titingin ulit siya sa wrist watch nya at hindi mapakali.

             Ang daming nagbago sa kanya sa ilang araw na 'di ko siya nakita. Namayat siya at ang lalim na ng mga mata niya. Ang dry rin ng lips niya na para bang 'di sya umiinom ng tubig tapos sobrang gulo pa ng buhok niya ganun na rin ng kwarto niya na para bang dinaanan ng bagyo.

Hindi naman siya gan'to e. Talo pa nga nya ako sa kaartehan pagdating sa sarili.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Uhmm.. Troy?"

   Sa wakas nagawa ko ring magsalita kahit nadidistract ako sa ginagawa niya.

Napatingin siya sa akin na para bang ngayon niya lang naalala na nandito ako.

   "Ano bang nangyayari sa'yo?" Agad naman siyang napabuntong hininga at umupo sa tabi ko.

"I'm sorry," Nakaramdam naman ako ng kirot no'ng napatitig ako sa mga mata niya. "Sorry kung nakapagbitaw ako ng masasakit na salita sa inyo last time.. Lalo na sa'yo. Sorry kasi ang daming nagbago sa atin. Sorry kasi 'di na ako 'yong dating Troy na kilala n'yo. Sorry.."

   Buti alam niya. Kung alam nya lang 'yong naramdaman ko that time.

"A-alam kong maraming nagbago at pwedeng hindi na rin tayo maging tulad ng dati---"

"Pwede pang bumalik sa dati ang lahat, Troy. Kausapin mo rin ang barkada, miss ka na rin nila." Ngumiti ako sa kanya at tumango naman siya. "To be honest nasaktan ako sa mga sinabi mo no'n.. gusto ko lang naman na sabihin sa'yo 'yong mga pinagbago mo simula ng sumama ka sa kanila."

Bigla naman nya akong niyakap.

"I'm sorry, Eirene. I'm sorry." Paulit-ulit nyang sambit.

  No'ng bumitaw sya ay hinawakan ko  ang kamay niya at hindi inaalis ang tingin sa kanya, "May problema ka ba? Pwede ka namang magsabi sa amin katulad ng dati."

"S#!t ." Napatingin sya sa sa wrist watch niya.

      Nanlaki ang mata ko. May puting liwanag na bumalot sa buong katawan niya nagsimula ang liwanag mula sa magkabilang mata niya tapos sa bibig hanggang sa buong parte ng katawan niya na ang lumiwanag. Sobrang nakakasilaw kaya napapikit ako.

  Dahan-dahan kong naimulat ang mata ko may kung anong usok ang bumabalot sa paligid. Pagtingin ko kay Troy ay hindi na siya ang ang nakikita ko kundi isang stuff toy na.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ako nagkakamali! Ito 'yong lamang lupa na teddy bear.

Tandang-tanda ko 'tong itsura ng teddy bear na 'to. 'Yong kulay brown nitong balahibo, 'yong maliliit na itim nitong mata at ang puting panyo na nakatali sa maliit nitong leeg na may nakaburda pang "Kiss Me".

'Y-yong teddy na nagsasalita tapos 'yong teddy bear na nasa harapan ko ngayon ay iisa.

Ibig sabihin lang...

    "Hindi ---!" nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Sinubukan ko ring ipikit at mulat pero hindi pa rin nagbabago 'yong teddy bear na nasa harapan ko.  "---Troy?!"

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon