Teddy Bear #23: Unexpected at Ease Feeling

48 15 11
                                    

TEDDY BEAR #23

"Unexpected at Ease Feeling"

Eirene

Katatapos ko lang magreview nung naisipan kong tumambay sa may balcony at doon magkape. Mamaya na ulit ako magrereview medyo bumibigat na rin kasi yung ulo ko kakareview.

Nakaupo ako sa may lapag habang nakatingin sa langit na punong-puno ng mga bituin. Ilang minuto akong nakatitig dun habang unti-unting inuubos ang mainit kong kape.

"Nakakapagod.." Bigla ako napatingin do'n sa taong nagsalita. Si Phim pala.. Nakabukas 'yung ilang butones ng suot nyang uniporme at nag-unat pa sya.

Hindi ata nya alam nandito ako kaya mahinang tinawag ko sya.

"Nandyan ka pala.." gulat nyang sabi.

"Ay wala.. Multo ako at ginagaya ko ang itsura ni Eirene." Pambabara na agad naman nyang ikinangisi. Maya-maya pa ay nakita ko syang tumalon papunta sa pwesto ko na ipinagtaka ko. Umupo sya sa lapag malapit sa pwesto ko at tumingala. "Anong trip mo?"

"Makikitambay."

"Ahh," 'yon na lang ang nasabi ko at muling napahigop ng kape. Nakatingin lang ako sa kanya habang tahimik lang syang nakatitig sa kalangitan. Hindi ko alam pero kumportable naman ako sa presensya nya at hindi ako naa-awkwardan sa totoo nga lang gusto ko syang kausapin pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Gusto mo gawan kita ng kape?"

Nagtama ang tingin namin tapos umiling sya habang tipid na ngumiti. Ewan ko ba pero ang cute nya lang no'ng ginawa nya 'yun.

First time ko kasi syang makita ngumiti..

" Sa 7/11 ka nagtratrabaho?" nakita ko kasi 'yung patch ng uniform nya. Hindi ko expected na nagtratrabaho sya at sa gano'ng lugar. Okay, hindi naman sa pagiging ano.. Pero kasi mukha talaga syang may kaya sa buhay at patunay na 'yong mga gamit nya sa bahay. Mukha rin naman siyang may pinag-aralan.

"Gusto mo bang magpahangin sa labas? Wala ka bang gagawin?" Hindi ko alam kung bakit ganito 'yung trato nya sa akin. Duuh kelan ba naging mabait 'tong si Cloud Phim sa'kin?

Kailangan ko muna magpahangin kanina pa kasi ako nagrereview..

"Sasama ka ba?"

"Gusto ko sana tutal matatapos naman na akong magreview kaso baka magtaka si tita kung bakit ako lalabas ng bahay ng ganitong oras."

"Alam ko na," Nagulat ako nang tumalon sya papunta sa balcony nya tapos inilahad nya yung kamay nya.. So dyan ako dadaan palabas? "Ito lang naisip ko na paraan.."

Tumango naman ako pero sinabi ko na 'wag na nya akong alalayan. Kaya ko naman tumalon dun kahit nakapanjamas kasi sanay na akong tinatalon 'yan simula pa lang no'ng bata ako.

Tapos ayon pumasok kami sa kwarto nya at napansin ko naman na malinis at maayos naman 'to. Pansin ko lang ang organized ng lalakeng to para lang din si Troy .

Nang makalabas kami ay nagtaka ako kung sa'n naman kami pupunta. Tahimik lang kami naglakad sa kalye na may ilang taong dumadaan at 'yong mga ilaw lang sa poste o kaya ng bahay na nadadaan lang namin ang nagsisilbing liwanag sa daan.

Nagtaka ako no'ng pumasok kami sa convenience store na pinagtratrabahuan nya. Hindi naman nya suot 'yung pantaas nya dahil hinubad nya na ito bago kami lumabas ng kwarto nya at nakaputing t-shirt na lang sya ngayon at 'yung slocks nya na pambaba.

"Ba't ka bumibili nyan?" Takang tanong ko nung kumuha sya ng mga tsitsirya.

"Pumasok nga tayo dito para may bilhin, di ba? Don't worry my treat, " Pagkatapos nagpunta kami do'n sa beverage at tinanong nya ako kung anong gusto kong inumin. Agad ko namang itinuro ang bote ng orange juice at kumuha sya ng dalawa.

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon