Teddy Bear #24: Another Troy

47 16 15
                                    

TEDDY BEAR # 24
"Another Troy"

Eirene

"Kristine!" Sabay kaway ko kaya napatingin dya sa direksyon ko. Gulat man ay ngumiti rin siya sa akin at kumaway pabalik.

"Grabe ka ate Eirene ang dami mong dalang gamit.." natatawa niyang sabi at kinuha pa sa akin ang ibang gamit na dala ko kaya agad naman akong nagpasalamat.

"Mga laman ng locker ko 'to kasi pinakuha na sa amin.. katatapos lang ng finals namin kanina then next week grad ball na namin." Nakangiting ko paliwanag sa kanya.

Dinala niya naman ako sa park na malapit sa school nila at umupo sa isang bench do'n.

"Pumunta ka talaga dito habang dala 'yang mga gamit mo," 'di nya mapaniwalaang sabi . "Grabe siya oh! Superwoman ikaw ba 'yan?"

Natawa naman ako, "Gusto lang kita makita tsaka isang bus lang naman ang sasakyan papunta rito''

"Wow ate! Nila-lang mo lang ang byahe papunta rito? Hassle kaya magcommute kaya nga nagdorm na ako."

Sa totoo lang kasi  kaya dala ko 'tong mga gamit ko at nagmamadali pa akong umalis ng school kanina dahil tinakasan ko talaga si Troy. Hindi ko pinaalam sa kanya na makikipagkita na ako sa isa niyang ex na si Kristine. Mas matanda lang kami ng isang taon sa kanya kaya ate ang tawag nya sa'kin maliban kay Troy na 'di nya kinu-kuya.

"Ate bakit mo nga pala ako gustong makita? Umuuwi naman ako ng sabado at linggo sa amin eh tsaka grabe effort mo ah.." aniya habang kumakain kami ng ice cream na libre niya.

"Yun na nga eh.. umuuwi ka nga ng sabado at linggo pero hindi kita nakikita sa lugar natin. Kaloka kang bata ka! Kabilang street ka lang nakatira pero feeling ko ang laki-laki ng lugar natin at 'di manlang kita matyempuhan kahit isang beses sa inyo. Sa'n lupalop ka ba  ng Pinas nagpupunta?" biro ko.

"Ay talaga ate? Sorry po... tuwing sabado kasi nagprapractice ako sa choir tapos paglinggo serve sa church then family bonding and balik ulit ng dorm." Paliwanag niya sabay pout. "Balak ko nga sanang bisitahin kayo ni Troy  sa birthday niya.. bakit nga pala wala siTroy?"

"Si Troy talaga hinanap mo? Bes hindi mo ba ako namiss?" pagbibiro ko.

"Namiss din kita ate! Pero lagi din kasi kayong magkasama no'n kaya nakakapanibago."

"A-aah.. ano. M-may lakad kasi siya ngayon eh." palusot ko.

Sa lahat ng mga naging girlfriend ni Troy si Kristine ang pinakabata at pinakaclose ko kasi parang bunsong kapatid ko na rin sya tsaka nagcliclick talaga ang personality namin. At ang totoo, si Kristine ang nanligaw kay Troy at pinatulan naman ng mokong.

Crush na crush kasi ni Kristine si Troy kahit noong mga bata pa kami at nangako pa sya na liligawan nya si Troy paglaki niya at nangyari nga.

Dakilang stalker 'yang batang 'yan at kahit taga kabilang street pumupunta talaga sa amin tapos lagi din syang may regalo tuwing birthday ni Troy kaya alam na alam nya yung birthday nito. Tapos ayun nga, nagbreak sila kasi nalaman ng parents ni Kristine yung relationship nila na masasabi talagang pareho pa silang immature.

"Kris, uuwi ka naman bukas 'di ba?" Tumango siya. "Pwede ka bang makipagkita kay Troy?"

"Huh? Bakit ate? Nakikipabalikan ba sya? Sineset up mo ba kami for a date ? but sorry kagad ate wala na akong balak maging bf si Troy .. " Biro niya kaya binatukan ko.

Ang harot lang ng batang 'to.

" May hihingin talagang favor si Troy.. Siya na magsasabi sa'yo bukas."

"Uhhmm.. Sige. Ibigay ko na ba yung gift ko sa kanya? Baka di rin kasi ako makapunta sa birthday nya tapos sabi mo 'di ba grad ball nyo din ng araw na 'yon?" Tumango naman ako.

"May gift ka pa rin talaga sa kanya ha? Akala ko ba.."

"Ate wag mo nang bigyan ng malisya, alam mo namang nakasanayan ko na 'tong gawin." Sabay kindat nya.

"Hoy panget!" Nagulat naman ako sa lalakeng nakatingin at papunta sa pwesto namin.

"Si tyonggo na naman.." Bulong ni Kristine sabay irap nya kaya natawa naman ako. "Ano naman bang kelangan mo?"

"Ikaw ang kumain ng cheesecake ko kanina 'no?! Iniwan ko lang sa desk 'yon kanina tapos bigla na lang nagdisappear eh ikaw lang naman katabi ko!" pagbibintang no'n lalake. "Bayaran mo 'yon Kristinoo kung hindi papadaanan ko ng eraplano 'yang noo mo."

"Ako pa talaga sinisisi mo? Mukha ba akong patay gustom?! Ayan, parusa "yan sayo kasi lagi kang nangbuburaot ng baon ng iba kaya ngayong minsan ka na nga lang magkabaon naging bato pa. Tsaka wag mo ngang malait-lait noo ko Mr. Smelly feet!"

Natawa naman ako sa nakikita ko habang napapailing. Nasa public place sila at magkaharapan lang pero kung magsigawan para nasa magkabilang kalye. Kaloka mga bes.

"Kris, nakahanap ka na ng katapat mo. Ang ingay din... Bagay kayo."

"Eeeew ate Eirene! Eew talaga," diring-diri nyang sabi tapos 'yung lalake naman ay umakto na parang nasusuka sa sinabi ko. Ang kulit nila!

"Ate siya nga pala si Troye, isa sa tyonggo kong classmate." Pakilala niya kaya naman nanlaki ang mata ko sa narinig. Agad naman kumaway yung Troye sa akin habang nakangiti kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

"Ikaw ha.. Kaya pala ayaw mo na sa bestfriend kong si Troy kasi may ibang Troy ka na sa buhay mo.." Sabay sundot ko sa tagiliran ko.

"Ay ewan ko sayo ate! Kayo nga 'tong bagay ni Troy.. Bakit pa kasi kung sino-sino chicks no'n eh nandyan ka naman. Tsaka shipper nyo kaya ako!"

"Inasar pa ako sa bff ko."

"BoyFriend forever ba meaning nyan? Naks!"

"Walang forever hija."

Pagkatapos no'n nagpaalam na rin ako sa kanila tapos dumiretso na rin ako ng sakayan ng bus. Paniguradong hahanapin ako ni tita alasais na kasi at halos isang oras din ang byahe . At paniguradong namang teddy bear na ngayon si Troy.

Pagtingin ko sa nakasilent kong phone ay may 127 missed calls and 50 texts na. Ang iba galing sa barkada at kay tita pero halos lahat kay Troy na.

"Alam mo tama ang sinabi sayo no'ng kaibigan mo.. Bagay kayo ni Troy." Sabi ni Arissa habang nakaupo sa tabi ko. Wala pa naman akong katabi at sinisimulan palang na punuin ang bus.

Muli kong sinuot ang earphones ko at naiconnect sa phone ko para kunwari may kausap ako sa phone. Mahirap na baka mapagkamalang baliw eh wala namang nakakakita kay Arissa unless na lang na gamitin nya ang powers nga at gustuhin nyang magpakita.

"Alam mo Arissa ang kulit mo din 'no? Hindi nga pwede 'di ba tsaka bestfriend lang talaga ang tingin ko kay Troy."

"Weeh? Wala ka bang nafeel lalo na noong nagkiss kayo at ako ang nakasight?"

Mga ilang saglit din akong natigilan..

"Meron akong nafeel na konting kakaiba..Pero wala namang meaning yun panigurado kahit kay Troy."

"What if sabihin ni Troy na mahal ka nya na mas higit pa sa pagiging bestfriends tapos bigla ka nyang halikan ulit.. What if lang naman 'to. Anong gagawin mo?"

"Minsan napapaisip ako kung napapanuod mo ba 'yan sa mga drama pero naalala ko anak ka nga pala ng goddess of love kaya romantic ka.." Sabay lingon ko sa labas ng bintana. "Kung magkwento ka na lang tungkol kay Eros e 'di happy."

"masaya silang namumuhay ni ate Psyche after ng struggles nila kay momsky. They live happily ever after ang peg ng dalawa. The end." Napa-ikot naman ng 360 degrees ang mata ko.

Minsan talaga may topak tong goddess na 'to.

To be continued..

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon