Teddy Bear #10: Friends for keeps

88 36 38
                                    

TEDDY BEAR #10
"Friends for keeps"

Eirene

"YES! THANKS GOD IT'S FRIDAY!" sabay kembot ni bakla habang dala-dala ang mga libro niya. Napailing naman kami sa kanya. Napalingon kami kay Troy no'ng magsilaglagan 'yong mga gamit niya mula sa locker nang buksan niya 'to.

Maraming papel ang naglalag.. May mga puti at pulang papel.

"Dami naman pong love letters," sabi ni Reena. Nilapitan ko naman si Troy at tinulungan siyang pulutin ang mga libro at mga papel. "Malayo pa ang Valentine's Day a."

"Iba talaga kapag fafa." sabi ni Nathan.

"Ngayon ko lang 'to nakita. 'Di naman ako nakapaglocker kahapon kasi ngayon ko lang nahanap 'yong locker key ko,"

"Ano kayang meron dito? Basahin ko lang." agad niyang inagaw 'yong mga papel na hawak namin at nilagay sa bag. "Tss. Damot."

"Bakit? Para ba sa'yo 'to? Ikaw na ba si Troy?" Nagbelat pa sya sa'kin na parang bata kaya hinampas ko sya sa braso.

"Tambay muna kami ngayon sa inyo, Eirene?"

"Huh? Ngayon?"

"Friday naman girl! Ngayon lang ulit tayo nagkasama-sama. Bonding time y'know."

"Namiss ko Eirene rin 'yong pancakes ni tita Hailey!"

"So gano'n? Makikikain lang kayo?"

"Ba't ayaw mo na ba kaming makita? Makasama?" pagdradrama ni Reena kaya napairap ako.

"Kaya nga.. parang dati gustong-gusto mong tumatambay kami sa inyo."

Bigla naman ako tumingin kay Troy kasi siya lang naman ang inaalala ko pero nagulat naman ako na agad naman siyang ngumiti at nagthumbs-up pa sa akin.

"Sige na nga." tapos nag-apir naman 'yong dalawa at nauna pang naglakad papuntang parking lot habang sumunod naman si Ethan na nakasalpak pa 'yong earphones sa magkabilang tenga nya. Medyo nagpahuli naman kami ni Troy. "Sure ka? Paniguradong mamaya sa bahay pa namin sila makikain ng hapunan."

"Okay lang. Pwede naman ako gumawa ng excuse sa kanila bago magsix." tapos umakbay siya sa akin. "'Wag kang mag-alala, Shira. Nandyan ka naman para i-entertain sila di ba?"

"So, gan'on?"

"Yep," nagulat na lang ako no'ng iipit niya 'yong ulo ko sa kili-kili niya at ginugulo ang buhok ko. "Ganti ko 'to nung yakapin mo ako ng sobrang higpit."

"AHHH! Troy nagugulo ang buhok ko!"

Hinahampas ko naman 'yong kamay niya at pilit na pumipiglas kaso 'di ko talaga kaya.

"Reena! Nathan! kilitiin nyo sa beywang si Shira, dali!" agad namang lumapit 'yong dalawa palapit sa akin at kiniliti nga ako.

"T-tama na! HAHAHA-- Mga leche kayo!" todo piglas naman ako at paniguradong pinagtitinginan na kami rito. Tawa naman nang tawa silang tatlo sa ginagawa nila sa akin.

Nang bitawan ako ni Troy agad ko siyang pinaghahampas sa braso, "Arrrghhh! Bwiset ka talaga!"

Sobrang hinahabol ko pa talaga 'yong paghinga ko dahil sa sobrang hingal kakatawa idagdag mo pang nakaipit pa 'yong leeg ko sa kili-kili ni Troy at talagang pinagpawisan ako. Sobrang gulo rin ng buhok ko at nayukot 'yong uniform ko.

Feeling ko narape ako e. T.T

"Wala kayong pancakes pagkarating sa bahay!"

"Girl, napag-utusan lang kami!"

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon