Chapter #29
"The end of the Playboy's game"
Eirene
Last day na namin ngayon sa school. Half day lang kami ngayon at puros kwentuhan lang ang nangyari sa classroom.
"Babye, Eirene. See yah tom and congrats ulit!" Sabi ni Dinah isa sa kaklase ko bago ako lumabas ng classroom.
Agad ko namang sinundan si Joyce na tuloy-tuloy sa paglalakad. Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin ako kinakausap.
"Joyce saglit lang." Hinawakan ko ang braso nya para pigilan.
"Ano bang kelangan mo?" walang emosyon nyang sabi.
"Kakain ka ba ng lunch? Tara sabay ka na sa'min." Hindi ko na sya pinagsalita at agad ko na syang hinatak.
Papasok palang kami ng canteen ay nakita ko na ang tropa na nakaupo sa isang lamesa. Agad ko naman syang pinaupo sa tabi ko at katapat ni Troy.
"Kami na ang bibili ng pagkain." Agad namang tumayo yung tatlo. Buti na lang ay pumayag sila na tulungan kami ni Troy. Ang sabi ko sa kanila ay gusto kong magkabati sila Troy at Joyce pero hindi ko sinabi na kasama rin ito sa plano namin para mawala ang sumpa.
"I'm sorry, Eirene." Nagulat ako nung biglang humagulgol si Joyce. "I'm sorry kasi sinisisi kita last time about sa nangyari sa amin ni Troy lagi pa kitang iniiwasan sa tuwing lalapitan mo ako."
Bigla naman akong umiling.
"Huwag kang magsorry.. Okay lang naman sa akin. Naiintidihan ko." Sabay hagod ko sa likod nya. "Tahan na.."
Tumingin naman ako kay Troy na hindi makapagsalita at sinenyasan sya.
"Joyce kaya kita dinala dito para kausapin ka ni Troy." Agad naman syang napatigin kay Troy.
"I'm sorry, Joyce." panimula ni Troy. "Sorry sa mga sinabi ko sayo noon...alam kong nasaktan kita lalo na sa ginawa ko. Muntikan na kitang pagbuhatan ng kamay ng gabing 'yon tapos hinayaan kitang umuwi kasama ang ibang lalake. Sorry dahil hindi ako nagpakalalaki..."
Ramdam ko ang sincerity at pagsisisi kay Troy nung sinabi nya 'yon pero hindi umimik si Joyce at tinitigan lang sya nito.
"Wala namang masamang nangyari sayo ng gabing 'yon di ba?" kitang-kita ko sa mga mata ni Troy ang pag-aalala.
Pagkalipas ng ilang minuto at nagsalita rin si Joyce.
"Nung gabing 'yon nakauwi naman ako ng ligtas.. Pinsan ko ang lalakeng muntikan mo nang makaaway at sya rin ang naghatid sa akin pauwi." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. "Balak ka pa nga nyang ipademanda pero pinigilan ko na sya."
Napatingin ako kay Troy na syang nakatungo na.
"Sorry talaga.." Mahina nitong sambit.
"Nasaktan ako sa mga sinabi mo that time. Sobra. Sa'yo ko lang kasi narinig 'yon... Sa taong pang matagal ko ng gusto." Nauutal na sabi ni Joyce na syang naluluha na naman kaya hinawakan ko ang kamay nya. "alam mo bang sobrang saya ko noong niligawan mo ako... Hindi nga ako makapaniwala."
Hindi ko naman maiwasang 'di maawa kay Joyce. Sa pagsasalita palang nya ramdam ko na yung sakit.
"Nagsinungaling ako. Noong gabing sinabi ko na ang boring mong kasama hindi totoo 'yun dahil noong mga panahong nililigawan kita do'n ko nakita kung gaano ka kasayang kasama. Sobra nga akong nakokonsensya dahil mabait at masayahing babae pa ang pagtritripan ko dahil lang sa gusto nila Francis." Nakita ko ang lungkot sa mga ni Troy. "Unang-una sorry kasi pumayag akong pagtripan ka..pinili kong sumama sa tropa nila para layuan nila ang mga kaibigan ko dahil ayaw ko silang madamay sa gulo. Ginawa ko lahat ng gusto nila, pinili kong magsunod-sunoran sa mga utos ng iba sa takot na baka saktan nila ang mga kaibigan ko."
Nakita kong may luhang pumatak sa mga mata nya. "Ang gag* ko talaga. Pati inosenteng babae sinaktan ko para lang protektahan ang mga kaibigan ko.. Ang daming paraan para protektahan sila pero ito ang ginawa ko,nandamay ako ng iba. Ang tanga ko rin kasi ginusto ko rin naman 'to mangyari, pumayag ako sa gusto nila kasi alam kong madali lang kitang mapaglalaruan dahil alam kong may nararamdaman ka sa'kin. I took advantage to you."
Tumingin sya sakin. "Siguro naging palusot ko na lang sa sarili ko na ginawa ko 'yon para protektahan ang mga tunay kong kaibigan pero ang totoo sarili ko na lang ang iniisip ko. Masyado akong nasiyahan dahil muntikan ko na rin makalimutan ang mga tunay kong kaibigan that time."
"Sorry Joyce... Sorry Eirene." Tinitigan ko sya at 'di rin ako makaimik. Ang mga mata ni Troy ngayon.. nakikita ko dito ang sobrang pagsisi nya.
"Wag mo nang sisihin ang sarili mo, Troy. Nangyari na." Sabi ni Joyce. "Ngayon alam ko na ang rason... Pare-pareho lang din pala tayong nabiktima dito. Nabiktima ng katangahan."
Natawa naman ng mahina si Joyce kaya medyo napangiti ako.
"Pinapatawad na kita, Troy." Tumango si Troy habang nakangiti. "Wala namang mangyayari kung sisihin kita habambuhay."
"Salamat dahil naintindihan mo ako Joyce." Sabi nya habang pinupunasan ang luha.
Gumaan na ang atmosphere. Sabay-sabay kaming kumain ng barkada namin kasama si Joyce. Totoo nga ang sinabi ni Troy masayang kasama si joyce dahil madaldal sya at kasundo nya kaming lahat.
Hindi ko madalas nakakausap si Joyce sa classroom kaya nakakatuwa na kahit last day na namin bilang senior high ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala sya.
"Congrats, Eirene. Ikaw na ngayon ang Valedictorian. Alam kong deserve mo ;yan." Nakangiting bati sakin ni Joyce bago kami magkahiwalay.
"Thank you. Congrats din. Kitakits bukas sa Graduation nag-enjoy akong kasama ka ngayon." Nagpaalam na rin ang tropa sa kanya.
****
Napatigil kaming pareho ni Troy nang biglang lumiwanag ang puting panyong nasa bulsa nya kaya agad nya itong kinuha.
Lumiliwanag ang iba't-ibang kulay ng lipstick na nasa puting panyo.
Napatingin ako kay Arissa na nasa harap na namin ngayon habang nakangiti.
"Anong nangyayari sa panyo?" Takang tanong ni Troy.
"Sinenyales 'to na tapos nyo na ang mission." Kinuha nya ang lumiliwanag na panyo kay Troy at nanlaki ang mata ko nang biglang lumutang sa ere ang anim na iba't-ibang hugis at kulay ng labi na nakamarka sa panyo.
Ilan segundo rin itong lumutang sa era at maya-maya pa ay naging usok ang mga 'to at nawala sa ere. Ibinalik ni Arissa ang puting panyo kay Troy pero may nakaburdang mga salita na rito. Kulay pula ang mga bawat letra.
"Love hate sorrow and pain
He's the man who loves to see girls toyed and played
He can make your heart breaks into two
So don't ever believe to his I love yous...""Ikaw yan noon, Troy." Sabi ni Arissa matapos naming basahin ang nakaburdang mga salita sa puting panyo. "Ngayon nasira mo na ang sumpa alam kong marami kang natutunan at sapat na 'yon para magbago. Tama ba ako?"
Sumilay ang ngiti kay Troy at dahan-dahan syang tumango.
"Susunugin ko na ang panyong hawak mo at kasabay nito ang pagsunog sa dating ikaw.. Sa dating Troy na kilala bilang playboy." Pagkasabi ni Arissa ay bigla na lang nagliyab ang puting panyo at nawala sa aming paningin.
"Normal ka na ulit ngayon, mortal." Nakangiting pagkumpirma ni Arissa.
To be continued..
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...