Zshen's Note: Wala akong maisip na tandem name ni Troy at Shira.. Pero si Phim at Eirene Shira meron na. PhiRa daw sabi ng isa kong reader. Lol. Team PhiRa or Troy x Shira? Haha
Chapter 27
"Good News"
Eirene
Kakalabas ko lang ng classroom nung makita ko Sa may hallway sina Nathan at Reena kaya agad ko naman silang nilapitan dahil pinagtitinginan na sila no'ng ibang students na dumadaan.
"Swizzum, hali ka na. Paghindi ka pa bumitaw dyan ako na ang magsasabi sa kanya sige ka." Rinig kong sabi ni Nathan habang pilit na hinahatak ang isang kamay ni Renee na siyang mahigpit namang nakayapos sa isang poste.
"Hindi ko na ata kaya, ayoko na." Nakapikit na sabi ni Reena habang umiiling.
"Guys, anong drama na naman yan? Pati poste pinagprapraktisan nyo na ah."
Parehas silang napatigil.
"Ito kasing si Reena ang pabebe."
"Wow, akala mo naman ang dali!"
"Tutulungan na nga kita eh. As if naman first time mo 'tong gagawin duuh if I know.."
Okay..Out of place talaga ako, "Ano ba kasing meron?"
"Magcoconfess ulit--mmm." Tinakpan ni Renee ang bibig ni Nathan.
"Ano... Uhhm. Yayain ko sana maging escort si Ethan sa gradball."
"Oh tapos?"
"Then aamin sya ng kanyang true feelings to my twin brother for the second time." Bigla naman syang hinampas sa braso ng isa "ouch! It's so masakit!"
"Bakla naman eh!" She sighed again bago tumingin ulit sa akin. "Eirene 'di ko na alam ang gagawin ko!"
Napakapit sya sa braso ko kaya napa-ikot naman ang mata ko ng 360 degrees.
"Gusto mo pa rin sya until now?" Agad naman syang tumango. "Then, yayain mo. Mamaya maunahan ka pa ng iba.. Alam mo naman kahit suplado ang isang 'yon marami nagkakagusto."
"P-pero.. Nahihiya na ako."
"Nagawa mo ngang magconfess sa kanya 4 yrs. ago tapos ngayon 'di mo na kaya?" Pagbibiro ko kaya naman hinampas nya ako sa braso. "Ano ba kasing balak mo? Sure ka na ba dyan? Si Nathan na lang kasi.."
"Eirene, naririnig mo ba yang inispluk mo? Eeew ka talaga!" Natawa naman ako sa reaksyon nila. Parehas kasi silang nakangiwi. "Girl, wag kang lalapit sa'kin ha? Baka kasi umakyat ka ng stage wala ka ng buhok."
"Seryoso na kasi.." Sabay simangot naman ni Reena. "Here's the plan..yayain ko si Ethan bukas bago mag-uwian.. Then, sa graduation ball, aamin ulit ako sa kanya and tatanungin ko ulit sya kung ano na ang current feelings nya sa akin... Pero kung wala pa rin syang feelings sa akin magle-let go na talaga ako."
Hinawakan ko naman ang balikat nya.
"Tama lang yan, sakto maghihiwalay-hiwalay na rin tayo okay na rin na malaman nyo na ang feelings nyo sa isat-isa." Nakangiti kong sabi. "Promise me kung mabroken-hearted ka man 'di pa rin magbabago ang pakikitungo mo sa kanya ha?"
"Yeah, promise. I'm preparing myself na sa mga consequences."
"Just remember na mas maraming gwapo sa college makakamove on ka rin."
"Para namang sinasabi mo na maba-busted ako kay Ethan."
Natawa naman kaming dalawa ni bakla.
"Don't worry, swizzum. Ako bahala sayo... Ihahanap kita ng mga hot fafa or gusto mo makipagblind date tayo.. Call ka, Eirene?"
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasiaPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...