Teddy Bear #9: First Ex's Kiss Mark

100 36 29
                                    

TEDDY BEAR #9
"First Ex's Kiss Mark"

Eirene

"Sure ka ha? Anim lang sila."

"Yeah. Sure na sure. Walang labis walang kulang."

"Ano pang sinabi ni manang sa'yo? Hindi mo na ba siya ulit nakita?"

Umiling naman siya, "Sinubukan ko siyang balikan at hanapin do'n sa labas ng bar pagkatapos no'ng unang beses ako maging gan'to."

Teddy bear na ulit siya at nakita ko na naman ang pagtransform niya kanina. Amazing talaga! Pagnandito sila bakla paniguradong lulundag pa 'yon sa pagka-igno.

"Ang cute-cute mo, Troy. Pa-hug nga!" Tapos niyakap ko siya at pinanggigilan.

"Shira, hindi ako makahinga!" mas lalong kong hinigpitan ang yakap. "A-aah. D-di ako ma--"

Binitiwan ko naman siya habang natatawa.

"Una nating lalapitan ay 'yong una mong naging gf kasi kung si Joyce ang uunahin natin baka i-massacre lang tayo no'n." pagbibiro ko. Hindi na nga pumapasok 'yong babaeng 'yon simula no'ng nangyari sa amin. "Hindi mo kailangan magpakascripted, Troy. Maging sincere ka lang sa kanila."

"Alam ko naman 'yon e." Tapos ngumiti 'yong teddy bear na Troy. "Buti na lang talaga nandito ka sa tabi ko, Shira. Hindi ko alam ang gagawin ko e."

Ngumiti naman ako sa kanya, "baka maiyak pa ako sa susunod na sasabihin mo.. Tara na at magplano."

* * * *

"Gantong oras ang uwian nila Hazel kasi gan'tong oras ko siya sinusundo noon." Sabi nya habang nakapark 'yong kotse sa isang street malapit sa tapat ng school nila Hazel. Kakatapos lang din ng klase namin at agad kaming dumiretso rito.

Marami na ring naglalabasan na estudyante sa school gate. Pamilyar pa rin naman sa akin 'yong itsura ni Hazel e.

"Ayon siya!" Sabay turo ni Troy sa isang babae na may mahabang brown na buhok ,may katangkaran at may kasama siyang dalawang babae. Agad naman namin siyang sinundan.

"Hey, Hazel!" Bati ko sa kanya habang nasa loob pa rin kami ng kotse at sinasabayan namin 'yong lakad niya, bigla naman siyang napahinto gan'on din kami. "Ako 'to..Si Eirene!"

Lumapit siya sa bintana kaya nagkatapat ang mukha namin tapos lumingon siya kay Troy na siyang nagdridrive. Napakunot-noo si Hazel.

"H-hey," bati ni Troy habang nakangiti sabay baba ng sunglass niya. Naks! Gwapo talaga ni bff! Partida, nakaschool uniform pa 'yan, konting ayos lang ng buhok at pabango kaso 'wag na mapuri at baka mausog. "Musta?"

"Anong meron?" Natatawang sabi ni Hazel.

"Coffee tayo?"

"Sure, basta treat nyo ha?"

Nagpaalam naman siya sa mga kasama niya kaya agad naman akong lumipat sa likod at siya ang pinaupo ko do'n sa shotgun seat para makapag-usap silang dalawa.

"Musta lovelife?" Nakangiti at nakaligon na tanong ni Hazel sa akin.

"Ito, wala pa rin." Nahihiya kong sabi. Magaan naman ang loob ko kay Hazel dahil naging classmate ko rin siya noon. Mabait naman siya tsaka masayang kasama pero 'di ko alam kay Troy kung bakit isang buwan lang ang tinagal nila. Hindi naman niya sinasabi sa akin.

"Talaga? Hanggang ngayon?" Tapos nilipat niya ang tingin kay Troy. "Ikaw naman? Paniguradong marami kang pinaiyak ngayon ah?"

"Ayan pa, takbuhan nga ako ng mga pinapaiyak nyang babae."

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon