TEDDY BEAR #19
"Changing for the better?"
Troy
Isang oras mahigit din 'yong naibyahe namin bago narating 'yong bahay ni Linzy. Siya ang pangatlong ex ko. Sa isang subdivision siya nakatira. Matagal na rin kaming 'di nagkikita since n'ong lumipat sila ng tirahan at nahirapan kaming macontact sya dahil di na sya active sa mga social media. Salamat na lang talaga at nandito si Red Riding Hood.
"Magugulat kayo sa makikita nyo." Nakangising sabi ni red ridig hood bago tuluyan syang mawala. Nagkibit-balikat na lang ako n'ong makita ko 'yong naguguluhang eskpresyon ni Shira.
"Teka lang po," nagkatinginan kami ni Shira n'ong marinig naming ang boses niya pagkatapos ng ilang katok namin.
Pare-pareho naman kaming nabigla n'ong makita namin ang isa't-isa.
"Troy?!"
"Linzy?!"
Sobrang ibang-iba na ang itsura niya. Kung dati ay itim na itim ang mahabang buhok niya ngayon ay maikli na ito at kulay pula pa. At kung dati simple lang ang ayos niya, ngayon ay nakadark lipstick at kung may kung ano sa ilalim ng mata niya na nagpapaitim dito. Ang ikli na rin ng short nito samantalang dati ay napakaconservative niya.
"P-pasok kayo." Agad naman kaming pumasok sa loob. "Ako lang ang mag-isa ngayon dito sa bahay kasi nasa trabaho sila mommy at daddy. Sorry kung medyo makalat.. kauuwi ko lang din kasi galing school." Nahihiya nyang sabi at pinaupo kami sa sofa.
"Okay lang.."
"Wait, kukuha ko muna kayo ng meryenda." Sabay punta nito sa kusina.
"Tama nga si Arissa. Magugulat nga talaga tayo. Good girl turns into a bad girl ba ang peg ni Linzy?" bulong ni Shira na halatang gulat na gulat pa rin kaya natawa ako sa reaksyon niya. Para talagang bata 'tong bestfriend ko.
"Oo nga. Nakadarklipstick pa tapos ang itim ng ilalim ng mata niya... Puyat siguro lagi." Agad naman niya akong siniko habang natatawa.
"Tungeks! Gawa 'yon ng eyeliner." Okay, eyeliner pala tawag d'on."Grabe ang sarap naman ng meryenda. Buti na lang talaga naisipan natin na dumalaw kay Linzy."
Napailing na lamang ako kay Shira na agad sinunggaban 'yong meryendang kalalapag lang ni Linzy sa lamesa.
"Sorry kung ganyan si Shira ha? Ngayon lang siya nakakain ng ice cream e tsaka wala kasing ganyan sa bundok." Agad naman akong hinampas sa braso ni Shira habang ang sama ng tingin kaya natawa naman si Linzy.
"Paano pala ninyo nalaman ang bahay namin? Wala naman akong pinagsabihan sa mga kaschoolmates ko kasi biglaan lang din ang lipat namin. Tsaka ang layo ng naibyahe nyo ah? Wala ba kayong pasok?"
"Nagtanong kami sa mga dati mong mga kapitbahay at nasabi nila kung saan ka ngayon nakatira." Palusot ko at agad naman syang napatango.
"Wag ka ring mag-alala, Linzy. May sasakyan naman kami at half day naman kami ni Troy dahil napasabak sa gulo sa school 'tong isa. Basta mahabang kwento."
"Napapasabak ka na sa gulo, Troy? Parang dati playboy ka lang ngayon bad boy na rin. Grabe sya oh. " natawa naman ako. "Kamusta na Eirene? Running for salutatorian ka pa rin ba?" tumango naman si Shira.
"Ito maganda pa rin. Haha. Eh ikaw? Anyare sa ayos mo?"
"Ahh ito ba.." sabay turo ni Linzy sa buhok niya. " Wala naman. Natripan ko lang naman magpaiksi ng buhok at magpakulay."
"Weeh? Pati 'yang pagmemake-up mo at pagsuot ng shorts?" sarcastic kong tanong kaya natawa naman 'to habang napapailing.
"Wag ka ngang panira, Troy.. Kung ayaw mong habulin kita ng itak palabas." pagbibiro nito. "To be honest, broken-hearted ako. Hahaha"
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...