Epilogue

57 10 35
                                    

Epilogue

Eirene

Nagulat ako noong kinuha sa akin ni Phim ang dala kong bag at ibang gamit, "Ang tamlay mo. Kumain ka ba?"

Tumango naman ako at pilit na kinukuha pabalik sa kanya ang mga gamit ko.

"Ako na ang magdadala nyan. Gamit ko naman yan eh." Angal ko pero wala na akong magawa no'ng ipasok nya 'yon sa kotse nya.

"Para ka ngang tutumba sa mga bitbitin mo..." Sabi nya bago pumasok sa driver seat kaya wala na rin akong nagawa at pumasok na rin at naupo sa passenger seat.

Okay na sila ng mom nya at ng dad nya pero sa amin pa rin sya nangungupahan. Pumayag na rin sya na pag-aralin sya ng mom nya at pareho na rin kami ng pinapasukan na university kaya lagi nya akong sinasabay pagpasok o kaya naman pauwi.

Close na kami ni Phim kahit madalas ay nagtatalo kami. Medyo malakas kasi sya mang-asar.

"Nagtext si tita nasa airport na raw sila. Diretso na raw tayo do'n." Sabi nya habang nagmamaneho.

"Dinala ba ni mama si baby Tristan?" Tumango sya kaya napakamot ako ng ulo. "Dinala pa ni mama 'yong kapatid ko mamaya umiyak lang dun 'yon pag-umalis na si—"

"Sus.Baka nga ikaw ang umiyak dyan eh" natatawa nyang sambit kaya inirapan ko na lang siya. Halos isang oras at mahigit din ang byahe namin bago nakarating sa airpot.

"Ayan nandyan na sila! Bilisan nyo at malapit na ang flight nya." Rinig kong sabi ni Reena noong papalapit kami sa kanila. Mas una kasi silang nakarating dito. Nandito na rin sila Tita at mama na bitbit ang 1 yr old kong kapatid.

No'ng makarating kami sa kanila ay napangiti naman ako sa taong mangingibang bansa na at iiwan na kami.

"Aalis ka na talaga?" Tanong ko kay Troy. Pormang-porma sya ngayon at may dalang 2 bagahe.

"Bakit mamimiss mo ko?" Tumango naman ako kaya ginulo nya ang buhok ko. "Mamimiss din kita, shira."

Walong buwan na rin ang lumipas noong gabing hinalikan ko sya at muli syang naging tao. Simula no'n ay naging normal na ang lahat. Totoo nga ang sinabi ni Arissa kelangan mahalikan si Troy ng taong tunay syang mahal.

Oo, mahal ko ang bestfriend ko. Itinuring ko syang kapatid dahil halos sabay na kaming lumaki. Our relationship is platonic. Yes, we treasured and loved each other kaya siguro kahit hindi ako ang tunay na nakatadhana sa kanya ay tumalab ang halik para tuluyang mabali ang sumpa.

Basta ang sabi lang sa amin ni Arissa bago sya mawala ay may iba taong nakatadhana sa aming dalawa ni Troy... At 'yon ang parehog 'di namin alam.

"Pareng Ulap, alagaan mo 'tong bff ko ah." Sabi ni Troy kaya nagthumbs up naman si Phim sa kanya.

Nagpaalam rin sya kay Tita Yumi na umiiyak.

"Ingat, 'tol."

" I will miss you, fafa troy. Dala ka foreigner pag-uwi kahit 'yon na lang pasalubong mo sakin. Mwuah!"

"Pasalubong namin pagbalik ah? Joke lang. We will miss you."

Niyakap nya rin ang tatlo.

Hinalikan din nya sa pisnge si mama at ang kapatid ko na si Tristan na umiiyak at gustong magpakarga sa kanya. Para na nga nyang anak ang kapatid ko dahil simula noong mag-abroad si papa laging kay Troy sumasama si Tristan.

"Babye troy!" Sabay-sabay naming bati sa kanya bago sya pumasok sa loob ng airport.

Mamimiss ko ng sobra ang bestfriend ko. Kaya ko naman magtiis kahit nasanay akong nasa tabi nya dahil mabilis naman ang panahon at after 2 years babalik din sya rito.

Bye bestfriend kong well known playboy..noon. See you soon!

Troy

Nakasakay na ako ngayon sa eroplano. Pinapasakay na lang din ang iba pang pasahero.

Napatingin naman ako sa hawak kong litrato. Ito yung last picture namin ng barkada. Karga ni Shira ang kapatid nya tapos nasa kanan si Cloud na nakaakbay sa kanya at ako naman sa kaliwa nya. Parehong nakapeace sign si Reena at Nathan samantalang si Ethan ay nasa tabi lang ng dalawa. Lahat kami dito ay nakangiti.

Kung pwede lang sanang 'di na lang tumuloy ng London kung saan ngayon nagtratrabaho at nakadestino sila daddy at mommy hindi ako ako tutuloy kaso minsan ko lang din naman sila makasama kaya pinagbigyan ko na sila sa kagustuhan nilang dun ako mag-aral.

"Homesick ka kagad?" Nagulat ako nang biglang magsalita ang babaeng mestisa na nakashades at katabi ko. Akala ko natutulog sya mukhang kanina pa nya napapanuod ang pagsesenti ko.

Kahiya. Bawas pogi points. Joke.

Hindi kagad ako nakasagot kasi nadistract ako sa pinalubo nyang bubble gum na kanina lang ay nginunguya nya.

"Uhmm. Medyo." Maikli kong sagot.

"Y'know you look like a good boy. So I guess you're harmless and you'll not bite me." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Ano ako zombie? Aso?" Pambabara ko. "I'm once a playboy but now I learned my lesson and already changed. What I mean change is change for the better."

"Wow, nice. Buti ka pa may time magbago."

"Depende naman kasi sayo kung kelan mo gustong magbago. Anytime pwede kang humakbang at pumili kung anong landas ang patutunguhan mo pero hindi ang panahon ang mag-aadjust sa'yo. Remember.. Life is too short. So better make good choices in life." "napapalakpak naman sya.

"wow.. Iba ka. Iba ang perspective mo sa buhay. I like you."

"Well, I like myself too." Sabay naman kaming natawa.

"I'm Wensel Gomez and you?"

Agad ko namang inaboy ang kamay nyang nakalahad at ngumiti.

"Troy.. Troy Salvador."

Mukhang ma-eenjoy ko rin ang mahabang byahe ko.

The end.

Zshen's note: Yaas, that's the end. I hope everyone learns something from this story kasi that's my main purpose in writing this. Wanna thank all those readers out there kahit silent reader ay binasa pa rin 'tong HTTB until the end. This is my first story na natapos at may nakuhang recognition sa isang voting club and I'm really thankful. Thank you! Kamsa~! Salamat po! ❤️

Signing out.

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon