TEDDY BEAR # 12
"Past is Past"
Eirene
"Hindi na ako babalik.," bigla naman umiling si Troy kaya nagpout ako tapos ginulo niya 'yong buhok ko. "Kasi naman kung kelan kita kailangan tsaka ka pa magiging... Arrgh!"
Nandito na kami sa parking lot at pasakay na ako ng kotse niya. 5 mins na lang bago magsix ng gabi.
"Wala ka namang atraso sa kanila 'di ba?"
"W-wala!"
"Oh wala naman pala e. Natatakot ka bang harapin sila? Alam mo dapat mas pinapakita mo sa kanila na kaya mo silang harapin. Dapat ipakita mo na di ka naaapektuhan sa nangyari noon."
Tama sya. Minsan talaga may point din 'tong si Troy e.
"Hindi naman ako natatakot silang harapin e.."
Hindi nga ba? Aissh.
"Eh bakit ayaw mong bumalik do'n? Nag-aaya na nga ng dinner oh." tapos umayos sya ng upo. Iniintay na lang namin na maging teddy bear siya. " 'Di ba gusto mo na laging nililibre? sabi mo pa nga mas masarap kumain kung libre e."
Hinampas ko 'yong braso niya. Anong tingin nya sa akin patay gutom?
"Totoo naman ah?"
"Eeeeh! Mao-op lang ako do'n tsaka paniguradong maglalandian lang sila sa harap ko."
"Selos ka naman? Naiinggit?" akma ko naman siyang susuntukin kaya agad nyang hinarang ang dalawa niyang kamay, "Nakashield ako!"
Hay. Parang bata.
"Hindi ako nagseselos. Tsaka pake ko sa relasyon nila."
"Owws?"
"Hay naku, alis na nga ako." sabi ko. "Sure ka ha dito ka lang?"
"Oo. Wala namang makakakita sa akin kung paano ako magtransform sa isang super cute na teddy bear kasi tinted 'tong car. Basta dalhan mo na lang ako ng pagkain mamaya. " tapos tumawa siya. "Ikaw magd-drive pauwi?"
Tumango naman ako. Buti na lang marunong na akong magdrive kasi tinuruan na nila akong dalawa ni dada magmaneho at may license na rin ako.
Bago ko isara ang pintuan ng sasakyan niya ay ngumiti siya at nakita kong paonti-onting lumiwanag ang katawan niya kaya sinarado ko na ang pintuan baka kasi may makakita pa sa kababalaghan na mangyayari.
Haay! Ang hirap talaga ng sitwasyon ni Troy. At mukhang mapapagastos pa ako dahil bibilhan ko siya ng makakain niya mamaya 'di naman kasi siya nag-abot ng pera. Tsk tsk.
* * * * *
Agad naman akong pumunta do'n sa isang restaurant na usapan nakakainan namin nila Jason at Monica. Nagpaalam lang ako sa kanila na babalik na lang ako at ihahatid ko lang ang bestfriend ko sa may labas. Syempre alibi lang namin 'yon.
At sa totoo lang, ayaw ko magdinner kasama sila. Ba't ko ba kasi sila nakita kanina?
Wala naman akong problema kay Monica, kay Jason lang.. Alam nyo bang dapat MU na kami niyan.. I mean, MU na talaga o may mutual understanding na kami. Grade 11 kami no'n at 6months syang nanligaw, akala ko nga siya na ang first boyfriend ko kasi okay naman siya kila mama and dada gan'on din sa mga kaibigan ko.
Tapos malalaman ko na lang na nililigawan niya pala 'tong si Monica habang nanliligaw din sya sa'kin.
'Yan 'yong mga tipo ng lalake na hindi pa nga kayo pero nagagawa ka nang lokohin. Sarap sipain papuntang Pluto e!
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...