Teddy Bear #15: 2nd Ex's Kiss Mark

61 25 26
                                    

           TEDDY BEAR #15

"2nd Ex's Kiss Mark"

Eirene

       Pagkatapos ng klase namin ay agad kaming dumiretso ni Troy d'on sa hospital kung nasan nakaconfine si Gill, ex ni Troy. Sya dapat 'yong kikitain namin no'ng sabado. Agad ko naman nalaman ang nangyari sa kanya na  dahilan din pala  kung bakit 'di talaga nakapasok si Troy kahapon.

     Pagkapasok namin sa kwarto ni Gill ay naabutan namin syang nanunuod ng TV kasama ang isang lalake. Ngumiti naman sya no'ng makita nya kami.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Kita mo naman talaga kay Troy na concern sya . Kanina pa ngang umaga 'yan nag-iisip kung anong pwedeng ipasalubong kay Gill at'di talaga sya mapakali.

    "Ito medyo nakabawi na rin ng lakas." Nakangiting sabi ni Gill pagkatapos ay napalingon sya sa akin. "Hello Eirene! Kamusta na?"

   Ang laki talaga ng pinagbago ni Gill. Medyo pumayat sya at lumalim 'yong mga mata nya. Hindi kami close pero minsan dinala na sya ni Troy sa bahay. 'Di rin kasi nagtagal ang relasyon nila ni Gill kaya 'di kami masyadong nagkasama. Ang pagkakatanda ko nakikipagbalikan 'yon first boyfriend ni Gill noon kaya nagpaubaya 'tong si Troy.

"Ako nga pala si Andy boyfriend ni Gill." Sabi no'ng lalake at nilapitan ako. Ngumiti naman ako sa kanya. So, sya pala 'yong Andy. "Amin na 'yang dala mo at ilalagay ko sa lamesa." Inabot ko naman sa kanya 'yong basket na may laman na iba't-ibang klase ng prutas.

"Nagkabalikan na kami ni Andy, Troy." Ngiting sabi ni Gill sabay ayos ng upo.

    "Oh talaga? Good to hear." Bigla nyang nilingon si Andy na nakaupo na ulit sa tabi ni Gill. "Sorry pala kahapon ah?"

   "Wala 'yon 'tol. Thank you kasi kung 'di dahil sa ginagawa mo baka hanggang ngayon di pa ako natatauhan." Pareho naman kaming  naguguluhang nakatingin ni Gill sa dalawa na nagtawanan pa.

Okay. Anong meron kahapon?

    "Ano ba kasing nabalakan mo at naisipan mong makipaghiwalay kay Gill e alam na alam ko naman na mahal mo sya e. Naalala ko no'n na halos araw-araw ka pang lumuluhod sa harap niya para lang makipagbalikan sya sa'yo."

    "Naku, Troy. Iyak nga sya nang iyak sa harap ng parents ko kahapon at nagsosorry sa amin at katulad  dati ay lumuhod ulit sya sa harapan ko." Natatawa kwento ni Gill. "Patay na patay ka talaga sa akin Andy." Sabay siko pa nito.

"Di bale, sa susunod na luluhod ako sa harap mo ay kapag hihingin ko na ang kamay mo." Ngiting-ngiti na sagot nito. "Tsaka aminado naman ako na patay na patay ako sa'yo kaya 'di ko na itatanggi."

   Napangiti naman ako sa mga narinig ko. Kung titignan mo 'tong mga dalawang 'to kulang na lang pati asin langgamin eh. Pero seryoso, kitang-kitang mo sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

  Nalaman namin na kaya pala nakipagbreak si Andy ay dahil pupunta ito ng ibang bansa at magkakalayo sila ng ilang taon para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Dahil sa takot ni Andy na baka mahirapan silang pareho ay naisipan niyang makipagbreak. Sabi naman ni Gill sacrifices is part of love kaya kahit pa may kelangan silang isakripisyo at malaking adjustment daw sa kanila 'to ay kakayanin nila. 'Yong about naman sa parents ni Gill ay naayos na rin.

   Sa totoo lang, ang swerte ni Gill sa boyfriend nyang si Andy. Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng iiyak at luluhod sa harap ng magulang at sa taong mahal nya. Bilib din ako kay Andy e.

   "Ano nga ang dahilan kung bakit gusto mo akong mameet nitong sabado, Troy? Ano 'yong favor na hinihingi mo?"

Tinignan naman ako ni Troy saglit at muling hinarap si Gill.

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon