Teddy Bear #17: Troublemakers

64 20 23
                                    

                  TEDDY BEAR #17
                "Troublemakers"

Eirene

"Meron na lang kayong 2 weeks mahigit bago ang kaarawan ni Troy." Sabi ni Arissa habang nakatingin sa isang maliit na bilog na orasan na parang compass na nasa kamay nya. "Apat na babae pa..."

"At kelangan na rin namin magmadali." Nag-aalala kong sabi na sya namang ikinatango ni Arissa na ibig sabihin ay naiintindihan nya." 'Yong birthday mo, Troy. Matatapat sa graduation ball natin."

"Kaya nga e. Kung minamalas nga naman ako." Napakamot siya ng ulo. "Mukhang 'di na ata ako makaka attend ng ball at makakagraduate."

Bigla ko syang sinamaan ng tingin,"Sabay-sabay tayong gragraduate. Wag kang nega."

"Alam nyo bff goals talaga kayo.." Nakapout na sabi ni Arissa habang nakatingin sa amin. "Kelan kaya ako makakahanap ng bestfriend? Haaay inggit much."

"Wala na ba talagang ibang madaling paraaan para mawala ang sumpang 'to?"

"Wala na, okay? Alam mo bang bawal ang ginagawa namin na pagtulong sa'yo ni momsy? Alam mo bang magkakagulo na naman sa Mt. Olympus 'pag nalaman 'to ni Goddess He-- y'know." sabay crossed-arms nya. "At kasalanan ko ba kung bakit ganyan ang kinahantungan mo ha, mortal? Halatang 'di ka pa talaga natatauhan sa mga kasalanang ginawa mo."

Bigla natahimik si Troy. Alam ko na hanggang ngayon hindi nya pa rin matanggap ang nangyayari sa kanya at talagang nalulungkot ako para sa bestfriend ko.

"Paano kung 'di namin nakumpleto ang anim na kiss mark sa puting panyo anong mangyayari kay Troy?"

"E di habambuhay na syang magiging cute na teddy bear." Walang pag-aalinlangan nyang sagot. " 'Wag kayong mag-alala nandito naman ako para tulungan kayo remember?

Sabagay.. Alam ko naman na malaki rin ang sacrifices nitong si Arissa. Una, 'yong mission nya na naantala para daw maging apprentice sya ni Eros. Tapos ngayon 'yong problema na pwede nilang harapin mag-ina sa Mt. Olympus pagnalaman na ni Hera ang tungkol dito.

"May contact ka na ba kay Linzy?"

"Nakadeactivate na  'yong dating fb nya at kahit 'yong ibang accs nya sa social network. 'Yong dating phone number nya 'di ko na rin macontact." Bigla akong napabuntong-hininga.

   Paano namin mahahanap si Linzy? Lumipat pa naman 'yon sa kabilang syudad.

      "Alam ko," Sabay kaming napatingin kay Arissa na seryosong nakatingin sa amin ngayon. "Alam ko kung nasan nakatira ang mortal na sunod nyong pupuntahan."

    "Talaga?" Sabay na sabi namin ni Troy.

   "Eirene! Troy!" Napalingon naman kami sa direksyon n'ong tatlo na palapit na sa pwesto namin.

   "Mamayang uwian dadalhin ko kayo sa mortal na 'yan." Tumango kami ni Troy sa kanya bago sya tuluyang mawala.

      "May silbi rin pala si Red Riding Hood maliban sa paulit-ulit nyang paalala sa atin kung ilang ex ko pa ang kelangan natin lapitan." Bulong na sabi ni Troy habang may nakakalokong ngiti kaya natawa ako ng mahina. Parang kanina lang natahimik sya.

     "Ba't nandito kayo kitang tirik na tirik ang araw dito sa field oh!" Sermon  ni Reena.

"I agree, swizzums! Gusto nyo bang mabinay?! Kaloka. Okay lang sana tumambay here kahit majinit pag may nagprapractice ng soccer kasi may yummy papabels. Pero kung waley?! I kennat talaga!" Napailing naman ako kay Nathan na todo sermon rin.

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon