Special Chapter

44 8 17
                                    


"Special Chapter"

Arissa

"Troy I miss you na!" nakangiting bati ni Eirene sa harap ng laptop kung saan nakikita si Troy. "Isang buwan din tayong 'di nagvideo call infairness lalo kang gumwapo. Hihi"

"Sus miss daw ako.. 'di mo ako kaya namimiss kasi lagi mo namang kasama si Ulap! Puro picture nyo nakikita ko sa fb! " tapos tinuro niya si Cloud Phim na syang hagip sa camera at seryosong nagbabasa ng libro sa gilid. "Kita mo! Pati sa kwarto mo magkasama pa rin kayo samantalang dati ako lang nakakapasok sa kwarto mo!"

"Aissh makasigaw ka naman, Troy! Alam mo talo mo pa si dada kung makareact."

"Don't worry Troy nagpaalam ako kay uncle na magrereview kaming dalawa ni Eirene dito." sabi ni Cloud Phim at tumabi kay Eirene.

" 'Wag kayong gagawa ng kahit anong kababalaghan dyan ah.." malumanay na sabi na ni Troy  sabay tawa.

"Ang dumi mo mag-isip, Troy!"

"Bakit totoo naman.. mahirap magsama ang isang lalake at isang babae sa iisang kwarto.."

"Pre, parang kayo ba ni Wensel? Yung babaeng nakasabay mo sa eroplano at inaanak pala ng mommy mo? " sabay ngisi ni Cloud Phim.

"Tama.. Siguro Phim may nangyare na sa kanila ni Wensel since sa iisang bahay lang sila nakatira tapos roommate pa.."

"Hoy! Grabe kayo! Good boy na ako, good boy!  Bad girl 'yon.. 'di kami bagay!"

"Good boy and bad girl.. hmm. Perfect combination!" sabay tawa ng dalawa.

"Manahimik nga kayo! Humanda talaga kayo pag nakauwi ako ng Pinas lalong-lalo ka na Shira!"

"Okay, ready na ako.. Hahaha. Kelan flight mo pabalik ng Pinas?"

"Maghanda na ba tayo ng Banners, Eirene?"

"Uy pwede rin Phim.. Good idea!"

"Aiish! Ewan ko sa inyo!" inis na sabi na lamang ni Troy at naputol na ang connection.

"Nai-end call?" takang sabi ng dalawa.

"Ang bilis na mapikon ni Troy samantalang dati ako laging beastmode sa mga pang-aasar nya.." sabay ngisi ni Eirene. "Lalo tuloy ako namotivate asarin sya.."

natawa naman si Cloud Phim at sabay sabing, "baka kasi laging stressed sa karoommate nya" 

Natawa na lamang ako sa nakikita ko. Ilang minuto rin akong nakatayo dito sa balkonahe ng kwarto ni Eirene. Ngayon ko lang ulit sila nakita at napadaan lang din ako. Di nila ako nakikita dahil sa invisibility power ko at 'di ko rin naman balak magpakita dahil baka mapatagal lang ako sa pakikipagkwentuhan. 

Napatingin ako sa aking orasan.. Omo! May misyon pa nga pala ako!

~*~*~*~

Binuksan ko ang lumang librong hawak ko. Napangiti ako dahil ilang mortal na ang napagtatagpo ko ayon sa book of soul. Mula kay Troy na medyo complicated pero natapos ko naman ay sawakas ilang mortal na lang at malapit nang matapos ang mission ko.

Naalala ko tuloy ang huling gabing nakasama ko sila Troy kung saan muntikan na siyang matuluyang maging teddy bear. Alam ko na mangyayari ito dahil 'di pa talaga tuluyang nasisira ang sumpa , malakas na mahika kasi ang nilagay ng aking ina at maliban sa kiss marks ng kanyang mga ex ay kailangan nya talagang makuha ang halik mula sa taong nagmamahal sa kanya at minamahal nya.

Oo, mula kay Eirene ang true love kiss at sya ang nakabali ng sumpa kahit 'di sila ang nakatadhana sa isa't-isa. Malakas kasi ang koneksyon nila sa isa't isa. At isa pa sa book of soulmates, 'di pa 'yon ang tamang panahon upang makilala ni Troy ang taong nakatadhana sa kanya.. Hindi sa ganong panahon at paraan.

Sa totoo lang hindi lang kay Troy umiikot ang mission ko at oo nagsinungaling ako sa kanila ni Eirene na sa kanya na umiikot ang bagong mission ko simula noong isumpa sya pero ang totoo ay pawang kasinungalingan lang 'yon upang mas mapadali kong matapos ang mission.

Ang mission ko ay umiikot kay Troy at sa mga kaibigan nya. Ang iba nga sa kanila ay matagal nang pinagtagpo ng tadhana at kung itutulad sa pagkain, ang kulang na lang na rekado ay kung kailan nila mararamdaman ang 'connection' nila para sa isa't isa.

At sa totoo lang habang tinutulungan ko si Troy ay gumagawa rin ako ng paraan upang magsimulang maramdaman ng mga kaibigan nya ang 'koneksyon' nila sa taong nakadtahana sa kanila. Oo, kasama sila sa mission ko.

Napatingin ako sa dalawang taong nasa magkabilang dulo ng kalsada at kapwang kumakaway sa isa't isa.

Katulad na katulad sa nakasulat sa book of soulmates. Nagkita sila sa tamang lugar at tamang oras.

Napangiti ako nang makitang nasa tabi ko na pala si Laimer, anak sya ni uncle Hades at katulad ko ay may mission sya. Tagasundo sya ng mga kaluluwa at ito ang mission nya.

Sabi na nga ba't susulpot ang lalakeng 'to.

"Maaksidente ang isa kanila.." sabi ko habang pinagmamasdan ang librong hawak ko. Umiilaw na ang pangalan ng dalawang taong nakatadhana sa isa't isa... silang dalawa ay malapit kay Troy. "At doon na nila mararamdaman ang 'connection' nila at mas hihigpit ang tali ng red string.''

"Akala ko 'pag katapos maaksidente susunduin ko na ang isa sa kanila.." nakangising sambit ni Laimer.

"Ang lame mo talaga, Laimer. Kitang mission ko 'to 'wag ka ngang echosero." Sabay irap ko na ikinangisi nya lalo.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa dalawang mortal.

"Hindi pa 'to ang huling mission ko pero alam kong malapit na at konting-konti na lang.. matatanggap ko na rin ang premyo ko.. Magiging apprentice rin ako ni Eros." At may ngiting namuo sa labi ko.


End of Special Chapter.

Zshen's note: Dahil maraming nagsasabi sa'kin na bitin daw ang ending naggawa ako ng special chapter! Hahaha. Nagustuhan nyo ba? Sorry if gano'n ang naging epilogue nitong HTTB. Gusto ko kasi ng open ending for this story means kayong mga readers na ang bahala mag-isip ng ending.. if nagkatuluyan ba ang ShiTroy or PhiRa! peace! 


BTW, magkakaroon ako ng new book sa first week of August ko syang balak i-publish. And kaya kay Arissa na POV ang special chapter dahil sa bagong libro ko ay sya ang main character! Yay! In that story malalaman nyo kung gaano ka-sassy si Ari  <3 Kaya support nyo naman ako guys sa upcoming story ko hahahaha labyu all! Thank u thank u! Luv lots.

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon