TEDDY BEAR #14
"Blood and Realization"
Eirene
"Sayang 'di namin nasaksihan ni Bakla ang nangyari sa'yo." Natatawang sabi ni Reena pagkatapos kong ikwento sa kanila 'yong nangyari sakin no'ng sabado.
"Mapapaclap ako ng todoness kung nando'n ako tapos ako pa ang magjujudge sa kanila kung sino ang mananalo sa sabunutan."
"Di naman siguro paaabutin ni Monica sa gan'on. Alam kong di nya ibababa ang sarili nya sa gan'ong babae pero sana nga 'di talaga sya nakipagsabunutan." Tapos sinarado ko na 'yong locker ko.
"Malay mo kabogera din si girl! Pak ganern ang peg."
"Mabait ba si girl?"
"Grabe naman kayo. Oo, mabait tsaka mahinhin at maganda. Shunga lang talaga 'tong si Jason at itunutulad nya si Monica sa kanya. Alam nyo na pinagmumukhang nya ring shunga."
"Naku! 'Yang mga lalake na ganyan dapat tinatanggalan ng Junjun."
"Korak! Buti na lang ako ay isang babae. I mean babaeng natrap sa katawan ng lalake." Sabay pameywang ni Bakla. "Kabahan na ang mga real na girlalu dahil rarampa na ang kagandahan ko. I will be the next Ms. Universe! Pak! Pak! Pak!" Nagiba-iba pa sya ng pose.
"Nathan magising ka nga sa katotohanan. Sayang ang kagwapuhan mo." Pagbibiro ko.
"Stop calling me Nathan! I'm Nathalie. So kadiriness ka talaga, Eirene.. Malabo na ang eyesight mo ang nakikita mo kaya sakin ay 'di kagwapuhan kundi kagandahan. "Maarteng sabi ni bakla. "Tambay ulit kami sa inyo later ah?"
"Anong tambay? Sabihin nyo gusto nyo lang makita 'yong ugok na nangungupahan sa amin. Sus, alam na alam ko na ang takbo ng isip nyo." Sabay irap ko kaya napasimangot naman sila. "Tsaka umayos nga kayo kitang tambak na tayo ng mga quizzes and projects. Aral muna bago landi."
"Sabihin mo lang girl ayaw mong magshare ng blessings!"
"Truth! Madamot ka Eirene! Madamot!"
Okaaay, ayan na naman sila.
Napailing na lamang ako.
* * * * *
"Bakit ka ba talaga 'di pumasok ha? Nasa'n ka ba?" Inis kong sabi kay Troy habang kausap sya sa phone. Kakalabas ko lang ng bahay niya at sabi ni tita Yumi umalis daw ito. "Ang sabi mo kanina sa text, masama ang pakiramdam mo at 'wag na akong mag-alala dahil baka sisihin ko pa ang kagwapuhan mo. Bwiset ka."
Nagluto pa ako ng sopas tapos malalaman ko na wala pala sya sa bahay nila.
"Mamaya na ako mag-eexplain, Shira. Promise."
"Huh? Nasan----H-hello??" Ay binabaan ako ng ugok.
Bwiset.
Hinampas ko naman ng paulit-ulit 'yong pader dahil sa inis. Hindi lang ako kay Troy naiinis ngayon dahil may isang bwiset din ang sumisira ng hapon ko. Kanina pa sya nagpapatugtog ng malakas kaya rinig na rinig ko 'yong pagsoundtrip nya na kulang na lang ay gumuho ang bahay.
Muli kong kinalampag ang pader. Magkadikit lang naman ang pader ng kwarto ko sa kwarto nya kaya umaasa ako na nararamdaman nya 'yong pagkalampag ko.'Wag syang manhid.
Kanina pa ako di namakapag-concentrate sa pagrereview. Dagdag pa sa sakit ng bangs ko si Troy pati na rin 'yong bingeng lalake sa kabilang bahay.
Sumasakit na 'yong kamay ko kaya tumigil na ako. Hindi na ako nakapagtimpi at tumayo. Wala naman akong mapagsumbungan dahil si mama ay inihatid ni tita kila lola at do'n na sya hanggang sa labor nya.
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...