Teddy Bear #21: The Jumper & The Climber

48 17 27
                                    

Zshen's note: Hello! Thank you sa paghihintay sa update kahit mabagal at sadyang abnormal ang writer. Mej busy ang lola nyo ngayon tbh at dahil labs ko kayo nag-UD talaga ako. And I want to say thank you sa mga nagvote sa'kin sa CCC awards. Supeeer super thank you po! New Voice Award ang nakuha ng HTTB. Sobra po akong naflattered. Labyu all~Mwah!

TEDDY BEAR #21

'The Jumper & The Climber'

Arissa

                Nakaupo ako ngayon sa taas ng bubong ng bahay nila at Eirene mula rito ay nakita ko ang itim na sasakyan palayo sa harap ng kabilang bahay na kanina lang ay do'n nakaparada.

Napangisi na lamang ako.

"Hindi mo pa rin sinasabi sa kanila ang totoo mong mission?" Bigla akong napalingon sa kanya.

Nandito na pala 'tong mokong na 'to.

"Namiss kita Laimer kahit medyo nagtatampo ako dahil bigla mo na naman akong iniwanan kanina.." Tampo-tampuhan ko sabay simangot.

Umupo naman sya sa tabi ko. Mula rito sa taas ng bubong ay nakikita ko ang unti-unting pagbaba ng araw... Nagkulay kahel na rin ang langit at talagang ito ang pinakagusto kong masaksihan sa mundo ng mga mortal. Kung alam lang ng mga mortal kung gaano kaganda ang kanilang mundo..

"Hindi ko pa sinasabi ang totoo dahil alam kong mas mapapadali ang mission ko."

"Wala kang balak? Ililihim mo sa kanila ang totoo mong pakay?" Muling tanong nya kaya tumango ako.

Alam kong magiging unfair ako sa mga mortal na 'to pero ito lang ang paraan para agad na matapos na ang mission ko. Alam ko naman ang ginagawa ko..

"Hangga't maari ililihim ko muna pagsamantala at pag-iisipin ko kung sasabihin ko talaga ang totoo." Tumango naman sya na ibig sabihin ay naiintindihan nya ako. " eh ikaw kamusta ang mission mo?"

Umayos naman sya ng upo at tinignan nya rin ang ang kulay kahel na kalangitan.

"Sa dalawampu't limang kaluluwa, labingdalawang kaluluwa na ang na susundo ko."
Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Buti ka pa malapit mo nang matapos ang mission mo samantalang ako, embes na dalawampu lang na mortal ang tutulungan ko para mahanap ang kaforever nila sa isang iglap biglang nagbago at nadagdagan pa! Nakakainis talaga yung bruhang 'yon." Mahina naman syang natawa. "Bakit ka tumatawa?"

"Ang laki lang kasi ng galit mo sa kanya ano?" Napairap naman ako. Aba syempre sino bang gugustuhin na mabago at madagdagan ang pasanin nya dahil sa isang taong mahilig mangielam.

"Minsan hindi ko talaga maiwasan na isipin na para bang sinadya nyang ginawa  'to para  hindi ko matapos ang mga mission ko.." Mahina kong sambit.

        Si Hera ang tinutukoy ko. Alam niya ang mission ko gano'n na rin ng mga taga Olympus at kung para saan 'to. Pero hindi nila alam na nagbago ang mission ko maliban na lang kay Laimer na syang napagsasabihan ko. Matapos kasing magkaroon ng pagpupulong ng mga taga Olympus biglang nagrant 'tong si Hera kay momsy na dapat parusahan ang mortal na si Troy. Hindi nya kasi pwedeng basta na lang pakielaman ang lovelife  ng mortal dahil pwedeng magulo ang book of fates. Wala namang magawa si Uncle Zeus para pigilan ang asawa nya sa pangingielam dahil may tampuhan sila that time.. Same old issue and same old uncle na kilala sa pangchichicks sa mundo ng mga mortal.

    Hiniling ni Hera na dapat mawalan ng kaforever si Troy. Ayaw naman mangyari 'to ng isang goddess of  love na nanay ko at dahil sa awa nagkaroon ng usapan si momsy at Hera na ikukulong na lang nya sa isang spell ang mortal dahil ito na lang ang naiisip nyang paraan. Pumayag naman ang bruhang si Hera.

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon