TEDDY BEAR #13
"Just a dream or sign?"TROY
Bigla akong tinuro n'ong batang babae nangiting-ngiti at hawak ang kamay ng mommy niya. "Mommy I want that teddy bear!"
H-hindi... Ito na naman.
Pilit akong kumikilos pero hindi ko maigalaw ang ano mang parte ng aking katawan. Pakiramdam ko na paralyzed ako.
"Ito ba,baby?"
"Yes mommy!"
Bigla akong kinuha ng mommy no'ng bata sa pinaglalagyan ko at inabot ako sa batang babae. Agad naman ako nitong niyakap ng sobrang higpit kaya nahirapan akong huminga.
"Ayan na ba ang napili mo?" Nakita ko ang isang babae na nakauniporme na lumapit sa batang nakayakap sa'kin.
Tumango ang batang babae at inabot ako sa babaeng nakauniporme.
Lagi kong napapanaginipan ang eksenang 'to at kung noon ay boses nya lang ang malinaw sa akin ngayon pati ang itsura nya ay malinaw na malinaw na rin.
Nakangiti at titig na titig ang mga mata niya sakin habang dinadala ako no'ng babaeng nakauniporme kung saan. 'Yong mga mata niya... Kaparehong-kapareho no'ng kay manang. Kulay asul ang kaliwang mata niya at itim na itim ang kanan.
H-hindi... Kailangan ko na magising!
Bakit hindi ako magising-gising ngayon? Dapat hanggang dito lang ang lahat e. Dapat ngayon gising na ako.
TIK TOK TIK TOK.
Rinig na rinig ko 'yong pagtunog ng wrist watch no'ng babae na kapareho ng mata ni manang. Ipinatong niya ako sa isang lamesa at tumingin sa batang babae na ngiting-ngiti kasama ang mommy niya.
"Ilalagay ko muna siya sa isang lalagyan ah?" Tapos tumalikod siya at may kinuha na isang paper bag. At pagkaharap niya nagulat ako na hindi na 'yong babaeng nakauniporme ang nakikita ko kundi si manang na.
Sinubukan kong magsalita pero ayaw bumuka ng bibig ko.
Troy, gising... Gising na!
"Anong name ng teddy bear ko mommy?" Biglang nag-iba ang boses ng bata.. May naging kaboses siya.
Pagtingin ko sa batang babae ay nag-iba na rin 'to ng mukha... Si Shira na ang nakikita ko---batang version ni Shira.
"Troy. Troy ang pangalan niya, baby girl. Di ba nga, Troy?" Sagot ni manang habang may nakakalokong ngiti at titig na titig akin ang kakaibang kulay ng mga mata nya.
Hindi ko maiwasang 'di kilabutan.
Pagkatapos n'on ay dahan-dahan na niya akong inilalagay sa paperbag at kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na kailangang ganto at ganyan ang gawin ko ay hindi ako makakilos. Wala akong magawa. Mukhang 'di ko hawak ang panaginip ko.
Tok tok tok!
Bigla akong napamulat at halos hinahabol ko na 'yong paghinga ko. Pawis na pawis na rin ako.
"Troy?" Rinig kong tawag ni tita Yumi. Pinsan sya ng mommy ko at may-edad na rin, maaga syang nawalan ng asawa at wala din syang anak. Halos sya na nga ang nagpalaki sa akin at tinuring akong anak habang sila mommy at daddy ay nasa Dubai ngayon. Do'n sila nagtratrabaho. Lahat ng gusto ko ay ibinibigay nila dahil na rin nag-iisang anak lang ako.
"Bakit po tita?"
"Gusto mo na bang kumain ng tanghalian?"
"Opo. Baba na po ako."
Bigla akong napabuntong hininga.. 'Yong panaginip ko... 'Yon na naman ang napanaginipan ko. Isang linggo na no'ng nakakalipas na huli kong makita si manang at simula no'n halos iisa lang ang panaginip ko. Kaya n'ong mga nakaraang araw ay ayaw kong matulog dahil alam kong mauulit lang ang mga 'to.
Kung pwede lang maulit ang araw na nangyari ay hindi na ako magpapakahambog, matuto na akong magpahalaga sa mga taong nakapaligid sa akin at hindi ko na uulitin ang mga kamalian na ginawa ko.
Ngayon ko napatunayan na nasa huli talaga ang pagsisisi.
* * * * *
Nagpaalam naman ako kay Tita Yumi na bibili ako ng meryenda namin sa isang malapit na convenient store. Medyo nagulat pa nga sya dahil parang minsan ko lang daw sya bilhan ng meryenda.
Gan'on ba talaga ako?
Gusto ko sanang isama si Shira para maikwento ko rin 'yong napanaginipan ko kaso Sunday nga pala ngayon at may family day sila. Ayoko namang makaistorbo.
Naupo naman ako sa isang stool dito sa store at nailapag sa isang lamesa 'yong plastic na may laman na mga binili ko. Magpapalamig lang ako saglit pagkatapos ay uuwi na rin ako.
"I understand, uncle. I know from the very start na planado na 'to ni dad. He badly wanted me to come home." Napalingon naman ako do'n sa lalakeng nakajacket at nakaupo sa tabi ko. May cup of noodles sa harap niya at may hawak syang spoon habang 'yong isa nyang kamay ay nakahawak sa cellphone niya. Napansin ko na pamilyar ang mukha niya. "Akala niya siguro uuwi ako sa kanya kapag wala akong trabaho. I don't get him.. I already left his mansion so that I can avoid making troubles to his new family and stop making him disappointed but still he wanted me to come back to his so called home? "
Pamilyar talaga 'yong mukha nya. Sa'n ko ba sya nakita?
Tumayo na ako at kinuha 'yong plastic bag. Uuwi na ako para makapagmeryenda na kami ni tita.
"Bro!" Pasakay na sana ako ng kotse ko n'ong may tumapik ng balikat ko. "Sa'yo to 'di ba? Nahulog mo."
'Yong lalakeng nakajacket pala kanina at may kausap sa phone. Inabot niya sa'kin 'yong wallet ko na hindi ko namalayan na nahulog.
"Salamat tol." Tumango naman siya sa'kin.
Pamilyar talaga siya e.
"May problema ba?" Nahalata niya atang tinititigan ko siya.
"Nagkita na ba tayo?" Kunot-noo kong tanong. Sa'n ko ba--- Ah!Sya nga 'yon. "Tama! Ikaw 'yong bagong nangungupahan kila Shira di ba? Kila Eirene Shira..."
"Eirene Shira?" Sya naman 'yong napakunot-noo. " 'Yong anak ba ni tita Hailee?"
Tumango ako. Sya nga 'yong lalake nakausap ni Shira sa may gate at mukhang type ni Nathan. Paniguradong bagong suspect este bagong papabels na naman 'to ni bakla. Hahaha.
"Thanks ulit, tol. Nice meeting you." Nakangiti kong sabi kaya tipid naman siyang ngumiti. "Troy nga pala. Nakatira ako do'n sa tabing bahay nila Shira."
Tapos nailahad ko 'yong kamay ko at inabot naman niya 'to, " No problem. I'm glad to meet you too, Troy. Kaya pala medyo pamilyar ka rin sa akin."
Napangiti naman ako.
"I'm Cloud nga pala. Sige, mauna na ako."
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin ako sa kanya at sumakay sa kotse ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...