TEDDY BEAR #20
"Hide & Seek"Eirene
Natigilan ako saglit ako at napahawak sa labi ko.
Ang bestfriend ko ang first kiss ko at pangalawang beses na niya akong hinahalikan. Dati ay n'ong mga bata pa kami at accidentally lang 'yon.. Pero bastos talaga ang lalakeng 'yon! Walang respeto sa magiging first boyfriend ko na sana ay 'yon ang magiging first and last kiss ko. Chos!
Eirene ano ba 'yang iniisip mo! Embes na mag-aral e.
"Anong ngini-ngiti mo dyan at paghawak sa labi? Hmm! Pustahan tayo iniisip mo 'yong kiss nyo ni Troy 'no?!" nagulat na lamang ako no'ng biglang sumulpot sa tabi ko si Sera.
AATAKIHIN AKO SA PUSO DAHIL SA GODDESS NA 'TO E.
"BA'T KA BA BIGLA-BIGLA NA LAMANG KUNG SUMULPOT?! KABUTE KA BA?!" napairap na lamang ako dahil sa inis.
"Isa akong goddess, hindi ako kabute. E ikaw? In loved ka ba sa bestfriend mo?"
"Anong in loved?! Bawal sa tropa naming 'yon! K-kung kaibigan lang. kaibigan lang."
"So kung hindi bawal gugustuhin mo siya?"
Napairap naman ako ulit. Nakakastressed ang babaeng na 'to.
"Pwede bang umalis ka na lang?"
"Taray mo naman.. Alam mo bang pinalayas din ako ng magaling mong bestfriend dahil matutulog lang daw sya? Wala naman syang ginawa kundi matulog! Haay magbestfriend nga talaga kayo ang hilig nyong mangtaboy ng isang magandang nilalang na katulad ko.." sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Oo na! Quiet na." natatawa niyang sambit sabay suklay niya sa maiksing kulay pink niyang buhok na dati ay kulay itim gamit ang mga daliri.
"Dapat kulay pink ang kulay ng kwarto mo hindi blue.. girl ka e."
"I hate pink. Kadiri at nakakaumay kaya feeling ko nga masusuka ako kapag may kulay pink akong gamit." Turn naman nyang tignan ako ng masama. Pero seryoso ayoko talaga ng pink. Wala ka ngang makikitang pink na gamit sa loob ng kwarto ko kahit sa damit madalas blue or dark colors. 'Di rin ako mahilig sa bright colors at kung meron man akong gamit o damit bilang lang. "Pink addict ka talaga 'no?"
Ngiting-ngiti naman siyang tumango.
"Lagot ka kay Pres. Duterte! 'Di yan pwede. Galit sa adik 'yon baka ipapatay ka." Pagbibiro ko pero seryoso lang nya akong tinignan. "Okay. Di mo gets kasi."
"Kilala ko si Duterte lagi ko siya nakikita d'on sa TV nyong mga mortal. Tsaka no hard feelings ha? 'Di ako nainformed na joke pala 'yon. "
Napasimangot naman ako.
"Ba't ka ba nandito?"
"Iniwan kasi ako bigla no'ng pesteng lalakeng 'yon. May susunduin na daw kasi siyang kaluluwa." Sabay crossed-arms niya. "Alam ko 'yang tingin na 'yan..Oo, katulad nya rin ako pero anak sya ni uncle Hades."
Wow... gusto ko syang mameet! Nacucurious kasi ako sa itsura nya.. Kamukha nya kaya si Hades? Tsaka si Hades ano kayang itsura nya? Madalas kasi na nakikita ko sa mga pictures na internet na creepy yung ginagawa nilang illustration kay Hades.
" 'Wag mo nang pangarapin na makita ng personal ang lalakeng yun. Lagi ako no'n iniiwan mag-isa. Kainis. Tsaka snob sya at laging nakasimangot na akala mo pansan ang underworld." Sabay irap nya. Nababasa nya ba ang isip ko? " 'Wag mo ring isipin na nababasa ko ang isip mo mortal dahil nakita ko lang 'yang mata mo na parang nacucurious."
"Tanong ko lang.. Makikita ko lang din ba sya kung gugustuhin nyang magpakita sa akin? Tsaka may mission din ba sya katulad mo?" Tumango naman sya.
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...