TEDDY BEAR #5
"Sticky Note"
Eirene
Kakarating ko lang galing ng school no'ng bigla akong nilapitan ni Tita Seline at may inabot na tupperware.
"Sabi ni Ate ibigay mo raw 'to sa bagong nangungupahan dyan sa kabilang bahay natin." nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat.
"May bago nang nangungupahan, tita?"
Well, sanay naman ako sa gan'to. Sa tuwing namang may bagong nangungupahan sa paupahan na syang kadikit lang din ng bahay namin ay nagbibigay talaga kami ng niluto or minsan nabebake pa si mama as a sign of welcome na rin.
"Teka, Tita.. Sa kanya lang? Ibig sabihin isa lang 'yong nangungupahan ngayon?"
"Oo. Mukha ngang mayaman e." sabay bukas ng TV ni tita Seline at upo sa sofa. "Sige na. Ibigay mo na 'yan sa kanya pagbalik mo magmeryenda na tayo."
Kaya ayon napalabas na ako ng bahay kahit hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Nacucurious tuloy ako kung sino ba 'yong bagong nangungupahan. Di manlang ako ininform ni mudra tungkol dito
Hmm.. Lalake kaya o babae? Matanda? Dalaga o Binata? Bakla o tomboy?
Nakailang katok pa ako bago nagbukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang matandang babae.
Siya na siguro yong bagong lipat dito.
"Kayo po ba ang bagong nangungupahan?"sabay ngiti ko. "Ipinagluto po pala kayo ni mama ng adobo. Dyan lang po kami sa kabilang bahay nakatira."
"Ay hindi ako,Hija. May inihatid lang akong ibang gamit dito." napakunot-noo naman ako. E 'di sino? "Pasok ka."
Pumasok naman ako at nakitang sobrang linis ng bahay ngayon at maayos. Parang hindi bagong lipat ah? Wala manlang akong makitang kahit isang box na may gamit. As in ang organize talaga. 'Yong totoo? May bagong lipat ba talaga rito?
Pinaupo naman ako ni manang do'n sa malambot nilang sofa.
"Siya, maiwan na kita hija ah? Hintayin mo na lang siyang bumaba. Nagpapalit lang 'yon ng damit ngayon. " bago pa ako makapagsalita ay nalaman ko na lang na nakalabas na siya ng pintuan.
"Manang naman, iniwan nyo talaga ako rito?"
Nilibot ko naman yong tingin ko sa paligid ng bahay. Napatingin ako do'n sa isang picture frame na nakadisplay sa isang gilid. Picture ng isang batang lalake nabuhat-buhat ng isang matandang lalake na tingin ko ay lolo niya. Meron ring flat screen TV. Mukhang mamahalin ang mga gamit dito kaya dapat maging maingat ako dahil baka makabasag ako anytime, may pagkaclumsy pa naman ako.
Ang tagal naman bumaba ng taong 'yon. Sabi ni manang nagpapalit lang siya ng damit pero ilang minuto na akong nandito.
Teka, kung isa lang ang nangungupahan ngayon. Sinong nag-ayos ng mga gamit niya? Kasi kahit buong pamilya ang mag-ayos ng gamit nila aabutin pa ng ilang araw bago nila 'yon maayos.
Pero tignan mo naman ngayon, isang tao lang ang nangupahan pero super ayos na ng mga gamit. Hindi naman pwedeng si manang ang nag-ayos dito kasi sabi nya may hinatid lang siyang gamit.
Nakakapagtaka.
Pumunta na lang ako sa kusina. Dito ko na lang siguro iiwan 'yong tupperware. Mag-iiwan na lang ako ng note baka kasi magtaka 'yong nangungupahan kung kanino galing 'tong tupperware. Sakto, bitbit ko pa rin ang bag ko.
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasíaPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...