Teddy Bear #8: Her Help

101 40 29
                                    


TEDDY BEAR #8

"Her Help"

Eirene

"Buti na lang pumasok na si Troy," mahinang sabi ni Reena habang nakatingin sa pwesto ni Troy na tahimik na kumakain kasama ang mga bago niyang tropa.

"Ang tahimik mo naman, Troy!" rinig kong sabi ni Eustice kaya napangiti lang si Troy.

"Oo nga 'tol hindi kami sanay. Tsaka break na talaga kayo ni Joyce?" tanong naman ni Sam.

"Ang bilis naman, pre. Pustahan natin 'di ba kahit isang linggo lang dapat kayo maging mag-on?" dagdag ni Will.

"Grabe talaga sila para pagpustahan si Joyce." mahinang sabi ko at napayukom ang kamay. Alam naman ng buong barkada ang nangyare saming tatlo ni Reena sa CR no'ng nakaraang araw.

"Kaloka talaga ang mga fafa na 'to! Napakabully. Buti na lang hindi ko sila type kundi major turn -off ang lola mo." sabay irap ni bakla.

Rinig na rinig kasi namin ang usapin nila dito sa cafeteria kahit medyo maingay sa paligid dahil ilang tables lang naman ang pagitan namin sa kanila.

"Grabe daw ang iyak ni Joyce ah!" maagas na sabi ni Eustice na para bang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa ni Troy kay Joyce.

"Iba ka talaga 'tol! Pa'no pa kaya kung nagtagal kayo di ba? " sabay akbay naman ni Will. Agad naman itong inalis ni Troy at nagpaalam na babalik na siya ng classroom. Naiwan naman 'yong mga mokong nahalatang nagulat sa inasta ni Troy.

Tumayo rin kaming apat at sinundan si Troy.

"Rooftop." sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Nauna kami sa paglalakad at siya naman ay sumunod lang.

"OMAY! Barkada United ulit!" matinis na sabi ni baklang Nathan habang hawak 'yong lollipop niya. Nakaupo kaming lima sa sahig habang si Ethan naman ay tahimik lang na humiga sa sahig at tinakpan ang mga mata gamit ang braso niya na lagi niyang ginagawa kapag nasa rooftop kami. Dont worry, gising naman siya at tahimik lang na nakikinig sa mga usapan namin. "So, anong pag-uusapan natin?"

Hindi naman maalis ang ngiti nila Reena at Nathan habang nakatingin kay Troy na para bang walang nangyari noong nakaraan na magkausap-usap kami. Na para bang hindi nakapagbitiw ng masasakit na salita si Troy noon sa kanila.

Nakapabilog kami nasa kanan ko si Troy at nasa kaliwa ko naman si Reena.

"Gusto kong humingi ng sorry sa inyo.. Sobra na akong nagbago at nakapagsabi din ako ng masasakit na salita sa inyo last time." sabi ni Troy habang hindi inaalis ang tingin sa tatlo. "Sorry din kasi hindi na ako sumasama sa tropa at alam kong pakiramdam nyo iniwan ko kayo sa ere."

"Okay lang 'yon, Troy. Sobra ka kaya naming namiss! Ilang linggo ka rin naming hindi nakasama." sabi ni Reena habang nakapulupot ang braso sa braso ni Nathan.

"At ilang araw ka rin namin hindi nakikita. Ang laki ng pinagbago mo ah? Stressed ka ba? " tanong ni bakla. "Don't worry wafu ka pa rin naman. Keri pa rin."

Ngumiti naman si Troy, ''Buti na lang talaga napakaunderstanding nyo."

"Ba't ka ba sumasama pa sa tropang 'yon? Alam mo naman na hindi sila makakatulong sa'yo. 'Yon pa ang ipapalit mo sa amin?" seryosong sabi ni Ethan na ngayon ay nakaupo na pala at medyo magulo ang buhok. Gusto ko talagang palakpakan ang isang 'to, lakas makareal talk e.

He Turns into a Teddy BearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon