Chapter 30
" A True Love's Kiss"Eirene
"I'm so proud to you baby girl." Sabi ni papa pagkababa ko ng kotse kaya napangiti naman ako. "Sobrang proud kami sayo ni mama.."
"Ayoko nang umiyak,dada. Kanina no'ng graduation nag-emote na tayo don eh." Pagbibiro ko at agad syang niyakap. "Katulad nga po ng sabi ko sa inyo para po sa inyo 'to ni mama at pati na rin kay baby boy. Gusto kong proud sya sa'kin paglaki nya."
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin ako kay dada na emotional pa rin.
Malayo palang ay rinig ko na ang malakas na tugtugin. Pagkarating ko ay marami na ring estudyante at iba pa ngang nakakasalubong ko na kabatch ay binabati ako.
Nakasuot ako ng simpleng dress na kulay white at above the knee. May konting maliliit na sequence ito at fitted kaya naman halatang-halata ang curves ko. Naks!
Ang theme ng grad ball namin ay Greek Ball kaya lahat kaming ay may suot na metal crown or stefana ng mga Greeks. May mga bulaklak na decoration at combination ng white and gold ang cover ng table gano'n na rin ang motif ng stage. Silver spoon and fork ang gamit sa plating. Simple lang pero elegante tignan.
"Naks ganda naman po ng valedictorian namin." biglang sumulpot si Reena kasama si Ethan. "Congrats ulit, sis."
"Thank you." Ang cute ni Reena sa red dress nya at curly hair. "Buti Ethan na papayag ka ni Reena na escort ngayong Gradball."
Ngumiti lang ito samantalang siniko naman ako ni Reena.
"May fireworks display daw mamaya habang nagsasayawan." Bulong sa akin ni Reena. "That time ako magcoconfess kay Ethan."
"Wow talaga? Mukhang romantic night mamaya ah. Goodluck ha? Figting!"
"Sana nga. Romantic" sabay hagikgik nya. Maya-maya pa ay dumating na rin ang kakambal ni Ethan na si Nathan.
"Naks nakatuxedo rin!" Pang-aasar ko. "Gwapo ah."
"Hay naku! kung di ka lang Valedictorian at pag-asa ng ekonomiya babaita ipapasalvage kita." Nagtawanan naman kami.
"Pinilit sya ni Daddy na magtuxedo kaya wala syang nagawa." Sabi ni Ethan.
"Aiish twinny na ichicka mo pa. Wait a minute, punta lang akong comfort room mag-aapply ng lipstick. Bye mga amigos!" Sabay kembot na paglakad ni bakla.
Nagsalita na ang MC at 3 minutes na lang daw ay magsisimula na ang program.
"Nakita nyo na ba si Troy?" Tanong ko sa dalawa.
"Nakita ko si Troy kanina sa may entrance habang iniintay ko si Reena. Binati nya ako tapos nauna na rin syang pumasok."
"Sige, hahanapin ko na sya habang hindi pa nagsisimula. Pumunta na kayo sa table natin susunod na lang ako" dali-dali naman akong umalis sa pwesto namin at nagsimulang hanapin si Troy.
Ang daming tao sa paligid kaya ang hirap nyang hanapin. Sinubukan kong magtanong sa iba kong kaklase at kabatch kung nakita ba nila si troy pero walang nakapagsabi.
Ilang minuto rin akong pabalik-balik sa mga lugar na pwedeng puntahan nya baka sakaling makita ko sya o baka naman nagkasalisihan lang kami.
Kanina pa ako nakakareceive ng text sa tatlo dahil nagsisimula na raw ang program pero hindi ko magawa silang reply-an.
Ewan ko ba pero iba na kasi ang kutob ko. Sobrang pinagpapawisan na rin ako. Nasan na ba ang lalakeng 'yon?
Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa hagdanan papuntang rooftop. Ito na lang ang hindi ko natitignan na alam kong pwedeng puntahan ni Troy.
BINABASA MO ANG
He Turns into a Teddy Bear
FantasyPaano na lang kung isang araw malaman mo na ang bestfriend mong well known 'Playboy' ay naging isang super duper cute ng teddy bear and he is now under a spell? Ano nga bang dapat nyong gawin para bumalik siya sa normal? Ano nga bang kaya mong gawin...